(CHAPTER 36)

474 33 0
                                    

—CHAPTER 36—

» ASHLEIGH'S POV «

Akmang magsasalita na sana ako ng biglang may nagpalakpakan sa likod ko.

Walang iba kundi’ ang grupo ni Keziah mga nakangiti ang mga ito habang nakatingin sa aming dalawa.

“WHOOO GRABE NAPAKA GANDA MO TALAGA NERDY OR SHOULD I SAY.. RED HAHAHAHA. AKALAIN MO YUN NAPA IBIG MO ANG LAHAT NG MIYEMBRO NG B.T.S SA LOOB LAMANG NG 3 MONTHS NA PAGTIRA NILANG LAHAT SA BAHAY MO HAHAHAHA.” Nakangiting saad nito habang may hawak-hawak na microphone at dinig na dinig ng buong stuadyante.

“What do you mean?” ani Ashton sa kanya.

“HINDI NYO BA ALAM NA ANG BABAENG YAN AY WALANG IBA KUNDI’ SI RED. ANG BABAENG LEADER NG DEMONIST BLOODY GANG HAHAHAHA.” ani pa ni Keziah.

“Can you please stop talking nonsense.” Biglang sulpot naman ni Primo sa likod ni Ashton pati na din ang ibang miyembro ng B.T.S

“AHH GANUN! AYAW NYO MANIWALA.. HERE’S MY VIDEO AND PICTURES.” –Keziah

Lumabas naman sa isang malaking screen na TV ng school namin ang mga picture naming lahat pati na ang video.

Nung araw na kasama ko sa Park si Kairus habang hinalikan niya ako. At ang picture din namin ni Uno na magkasama sa Music Room habang nakayakap ako sa kanya. At nung kasama ko din si Primo sa rooftop habang hinahalikan din niya ako. At noong kasama ko sa paraiso si Kib habang nakayakap ako sa kanya. At nung nasa Mall din kaming dalawa ni Top pati noong nasa restaurant kami. At pati na din si Jace habang nasa nag uusap kami noon sa labas ng bahay at bigla ko siyang niyakap. At ang huli ay ngayon habang nagsasalita sa stage si Abo kasama ako at ang hindi ko makakalimutan ay ang v-video n-na h-huling l-lumabas.

Nung araw na nasa likod kami ng school ni Gray habang nag uusap at dinig na dinig sa video ang lahat ng mga pinag uusapan namin kasama na doon ang Demonist Bloody Gang.

Pagkatapos nilang makita ang picture pati na din ang video ay gulat na gulat silang tumingin sa akin lahat at hindi makapaniwala.

Bigla naman nagsalita ulit si Keziah.

“NOW TELL ME.. MUKHA BA AKONG GUMAGAWA LANG NG STORY? HAHAHAHA AYAW NYO PA DIN BA MANIWALA? HERE’S MY ANOTHER PROOF.”

Lumapit naman sa akin si Keziah at tinanggal ang wig kong buhok at napalitan ito ng color red na totoong buhok ko mismo. At pati ang big glasses at fake kung mga pimples ay inalis din niya at isinama din ang fake kung kilay na makapal hanggang sa lumabas ang tunay kong mukha na mas lalo nilang ikinagulat.

“OHH AYAN PA PROOF.. SIGURO NAMAN MANINIWALA NA KAYO.” –Keziah

Mag sasalita na sana ako ng biglang may humila naman sa kamay ko paalis ng Stage, hinayaan ko na lamang itong isama ako kung saan.

Hanggang sa makasakay kami ng kotse ay tulala pa din ako at hindi alam ang gagawin.

“KAILANGAN MO NG UMALIS SA BAHAY MO NGAYON DIN.” Biglang saad naman ni Gray na siyang humila pala sa akin kanina.

“G-Gray...”

“Dadalhin kita ngayon sa bahay mo at kunin muna ang lahat ng gamit mo at doon kana muna sa amin tumira para alam kong safe ka.” Seryosong saad niya.

Tumango na lamang ako at hinayaan na lamang siya.

Pagkatapos namin makuha ang lahat ng gamit ko ay dumiretso na agad kami sa bahay nila.

» PRIMO'S POV «

Pagkaalis ni Dein ay akmang susugudin na ni Abo ang babaeng nasa harapan namin ngayon habang nakangisi pa ng biglang awatin naman nina Uno at Kairus ito.

𝑻𝑯𝑬 𝑺𝑬𝑽𝑬𝑵 𝑮𝑨𝑵𝑮𝑺𝑻𝑬𝑹𝑺 𝑰𝑵 𝑴𝒀 𝑯𝑶𝑼𝑺𝑬 (𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon