(CHAPTER 49)

402 30 4
                                    

—CHAPTER 49—

» TRIXIE'S POV «

Kadadating lang ng teacher namin at agad na pinapunta ako nito sa unahan para magpakilala.

“Hi everyone! I'm Trixie Jimenez short for Syxie HAHAHA eme. So, yun lang sana maging close ko din kayo.”

Pagkatapos ko magpakilala ay agad na umupo ako sa upuan ko.

“Kahit kelan talaga napaka baliw mong babae ka, at talagang dito ka pa nagkalat ng kabaliwan mo.” Biglang saad naman ni Blue sa akin pagka upo ko.

“Tse! Manahimik ka na nga lang dyan' basta samahan mo ako sa mall mamaya ah, after class.” saad ko naman.

“Tsk! Oo na wag ka na magpara kukulit, pandak ka.” –Blue

Kahit kelan talaga sarap kaltukan ng lalaking ito. Hindi talaga mawawala sa kanya ang pang aasar sa akin.

Humarap na lamang ako sa unahan para makinig kay Ma’am.

» TREY'S POV «

Pagkatapos ng klase namin na pang umaga ay agad na nagtungo ako sa Garden para magpahangin.

» ASHTON'S POV «

Nasa hallway na kami ng biglang nagsalita naman si Jace.

“Mukhang nag iisa ata Abo sa Garden ang kapatid mo ah.” ani nito.

“Tsk! Sige mauna na muna kayo sa cafeteria at kayo na muna bahala kay Dein. ” saad ko sa anim.

“Bakit, saan ka pupunta?” –Kairus

“Teka saan ka pupunta? Sumabay ka na muna sa amin kumain.” saad naman ni Dein sakin.

“Basta may kakausapin lang ako, sumabay ka na muna sa kanila susunod na lang ako.” ani ko pa.

“Sige.”

» PRIMO'S POV «

“Tara na susunod na lang yan si Abo sa atin.” Yaya ko naman sa kanila.

Alam ko na agad ang binabalak ni Abo kaya naman niyaya ko na silang lahat sa cafeteria.

» TREY'S POV «

“Pwede ba tayong mag usap?”

Bigla naman may nagsalita sa likudan ko, alam ko na agad kung sino ito.

“Ok.” tipid na sagot ko.

“Anong binabalak mo at tumira ka sa bahay ni Dein?” Diretsong tanong nito.

“Wala gusto ko lang tumira sa bahay niya. May masama ba dun?” sagot ko naman.

“Tsk! Spill it. Alam kong may binabalak ka kaya tumira ka sa bahay niya.” ani pa nito.

“Tsk!”

Akmang aalis na ako ng biglang pigilan ako nito.

“MAY GUSTO KA BA KAY DEIN KAYA GINAGAWA MO ITO?” –Ashton

Humarap naman ako sa kanya at ngumiti.

“Paano kung sabihin ko sayong gusto ko nga siya.”

*BOGGGSSSHHHHH*

Malakas na sinuntok naman ako nito at napaupo na lamang ako sa lupa habang hinahawakan ang ilong kong may dugo.

“F*CK YOU! Stay away from her at wag na wag mong susubukan na lumapit sa kanya dahil hindi mo magugustuhan maging kaaway ako.” Galit na saad nito sa akin.

“At mas lalong hindi ko din gugustuhin na makaaway ang isang katulad mo.” Diin din saad ko sa kanya.

“TSK! EDI KUNG GANON, LAYUAN MO SIYA.”

𝑻𝑯𝑬 𝑺𝑬𝑽𝑬𝑵 𝑮𝑨𝑵𝑮𝑺𝑻𝑬𝑹𝑺 𝑰𝑵 𝑴𝒀 𝑯𝑶𝑼𝑺𝑬 (𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon