🌸CHAPTER 2🌸

1.3K 41 13
                                    

CHAPTER 2 — HE'S TAKEN

Clyde's POV

Naiinis kong nilapag sa mesa ang aking cellphone nang mabasa ko ang mga texts galing sa daddy ko.

From: Dad

Son, we have a dinner with one of our business partner at Guilbert's Place at 8pm. YOU NEED TO BE THERE with me. I can't take NO for an answer. Ok? See you.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan na kasama pa ako? Alam naman niya na wala akong hilig para sa ganitong meeting o dinner-with-the-business-partners na iyan.

Ilang sandali pa ay muling tumunog ang gadget ko at may isa pa na text galing ulit dito.

From: Dad

Don't be late, Clyde.

Napahawak na lang ako sa aking batok saka muling binasa ang text.  Nilapag ko na lang muli ang phone ko sa mesa.

Lalo akong nakaramdam ng inis sa ama ko. Edad bente-singko-anyos na ako pero kung makapag-utos at mando sa buhay ko ay animo siya ang amo ko.

Noon pa lang, sinusunod ko na siya sa lahat ng gusto niya. Nung sinabi niyang mag-aral ako ng kursong Business Ad Major in Entrepreneur ay kaagad kong sinunod kahit na Fine Arts ang gustong-gusto kong kuhanin.

Sa furnitures ang family business namin ako nagtatrabaho. Manager na ako ngayon sa isa naming branch sa Marikina pero hindi alam ng mga magulang ko na nagpapart time job ako bilang visual graphic designer sa gawaan ng comics/magazines. Kahit maliit iyong salary ay ayos lang.  Atleast I enjoyed.

Naupo ako sa harap ng desktop ko.

Napatulala na lang ako nang sulyapan ko iyong  ginanagawa ko kanina pa sa doon. Hindi ko kasi maalala kung saang parte ba ako nahinto kanina?

Sinusubukan ko kasing iguhit gamit ang makabagong teknolohiya na paraan ang mukha ni Loisha Coreen, kapatid ng bestfriend ko. Request niya kasi ito at balak niyang ilagay sa kaniyang flowershop. Girlfriend? No. Definitely not. Magkaibigan lang kami at hanggang doon lang iyon.

Kung sa nobya lang ay mayroon naman ako. Fling ang mas magandang itawag ko roon. Hindi ko siya sineseryoso dahil wala pa sa isip ko iyon. In-eenjoy ko lang ang pagiging binata ko.

Tatlong katok ang pumukaw ng aking pansin habang nakamata sa screen. Bumukas ito at si Manang Asing ang iniluwa nito.

"Clyde, nandito sa sala si Loysa," sabi ni Manang.

"Sige,  Manang Asing. Susunod na po ako. Isasave ko lang 'to." Tumango lang ito bago umalis sa pinto. Mabilis kong nai-saved ang ginagawa ko kanina saka ko pinatay ang PC.  Dumampot ako ng blue polo short sa aking closet at nagbihis.

"ANG gwapo naman ng bestfriend ko!" Iyan ang sabi ni Loisha pagkababa ko ng hagdan. Nakaupo siya sa sofa na pang-solo.

"Kuya mo ang bestfriend ko at matagal na kong gwapo!" Sinimangutan ko lang siya. Naupo naman ako sa tapat na sofa na kinauupuan niya.

"May sinabi ba kong ngayon lang? Sungit mo yata ngayon?" Nakanguso pa niyang tanong.

"Bakit nandito ka? May problema ba?" tanong ko.

"Wala naman, Clyde. Kukumustahin ko lang sana 'yung pinapagawa ko sa'yo," aniya. Malapad ang ngiti dahilan upang mas lalong mapasingkit ang mga mata.

"Hindi ko pa tapos." Napasandal ako sa sofa at marahang hinilot ko ang aking sintido. Sumasakit na ang ulo ko kakatutok sa unit. Hindi naman kasi talaga dapat na palaging babad ang mga mata doon kaya lang ay mayroong deadline si Loisha sa akin. "Give me atleast 3-4 days to finish your canvass," wika ko humihingi ng pakiusap.

REVENGE OF AN ANGEL [SOON TO BE PUBLISHED under WWG Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon