CHAPTER 16 — SPRAIN
EUNICE's POV
Everything went well nang hapon na iyon. Masaya at puno ng kulitan ang naging takbo ng mga napag-usapan naming lima sa mangyayari sa aming one month vacation leave. Isa na roon ang mag hiking. Noong una, sa Mt. Arayat sana sa Pampanga ang napili nila Rodrey at Precious, pero naisip namin, bakit hindi na lang sa Mt. Makiling sa Laguna ang aming akyatin. Mas malapit mula sa Manila ang byahe. At sa huli ang Mt. Makiling na ang pagdesisyunan nga namin. Nakakatuwa kasi unang beses ko pa lamang magagawa ang umakyat ng bundok. Tapos kasama ko pa ang mga kaibigan ko.
"Eunice, pwede bang magsama ng kaibigan?" tanong ni Alexis sa akin.
"Yes of course, the more, the merrier, 'di ba, guys?" sagot ko. Tumango at sumangayon ang mga kaibigan namin. Ngumiti si Alexis. I wander kung sino ang isasama niya.
ARAW ng byernes. Ngayon namin balak gawin ang pa-hiking sa Mt. Makiling. Ang napag-usapan ay magkaniya-kaniyang dala ng mga pagkain at inumin sa araw na ito. Dito sa amin magkita-kita upang sabay-sabay na lang kami babyahe papuntang Laguna.
Nai-charge ko na ang mga gadgets ko gaya ng cellphone, digi cam at laptap. May dala rin akong power bank if ever na malowbat ako. Naglagay rin ako nang ilang pirasong extra shirts just in case na kailanganin.
"Morning, Eunice. Ako pa lang ba ang nauna sa kanila?" bungad sa akin ni Precious na ngayon ay naglalagay ng malaki niyang bagpack sa compartment ng kotse ko.
"Yes," ani ko sa kaniya. Umirap naman siya saka muling nagsalita.
"Don't tell me, kahit na sa bakasyon natin na to malalate pa rin sila. Ay grabe!" Nameywang pa ito. Natawa naman ako sa sinabi nito. Hindi naman kasi totoong late lagi ang mga iba pa naming kaibigan. Sadyang maaga lang talaga siya dumarating.
"Pagamit muna nga ako ng cr niyo, girl." Tumango lang ako. Siya naman ay pumasok na sa loob ng bahay.
"Eunice, mukhang ready ka na, a?" Napatingin ako sa likod ko. Napangiti naman ako nang makita ko ang boy bestfriend ko.
"Alexis... yes, ready na ko. Siya nga pala, nasaan na 'yung mga isasama mo today?" tanong ko.
"A, oo nga pala. Nand'yan na sila, kasunod ko." Tumango na lamang ako. Nag-excuse ako sa kaniya upang ayusin pa ang iba kong gamit sa sasakyan. Hindi ko namalayan na may dalawang tao pa lang bagong dating na ngayon ay kausap ni Alexis. Mayamaya ay narinig kong tinawag na nito ang pangalan ko kaya lumapit ako. May dalawang tao nga siyang kausap. Nakatalikod ang mga ito sa akin habang si Alexis ang nakaharap.
"Eunice, sila nga pala ang mga kaibigan ko."
Halos manlambot ang mga tuhod ko at pakiramdam ko nag-slow motion lahat ng nasa paligid ko nang humarap ang dalawa sa akin. Noong una, nakangiti ang mga ito sa akin pero kaagad rin nawala.
'Loisha...'
'Clyde...'
Gumuhit ang pmilyar na kirot sa puso ko. Parang may yumakap na alambre rito at sinakal. Pero kahit na nabigla ako, at sa tingin ko'y ganoon rin sila, kaagad ako nakaisip ng paraan para mag mukhang hindi ako naapektuhan sa muli naming pagkikita.
"Hi!" Masayang bati ko nang makalapit ako sa kanila. Napatingin ako sa gawi ni Loisha. Lalo itong gumanda sa suot nitong pink shirt, maong pants at rubber shoes. Nakatingin lamang ito sa akin na tila ba nakakita ng multo.
Sino bang hindi magugulat? Ang dating manang manamit, ngayon ay naka violet sando, hiking pants at rubber shoes na kulay violet rin.
Ang dating may makapal na reading glasses ay wala na. Napalitan na nang contact lenses na may grado.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF AN ANGEL [SOON TO BE PUBLISHED under WWG Publishing]
RomanceNaranasan mo na bang ma-inlove? Paano kung masaktan ka sa pagmamahal na iyan? Gaganti ka ba? Kung sakaling gumanti ka, may mapapala ka ba? May maganda bang maidudulot ang pagganti sa taong nakasakit sa'yo kahit na sobra mo siyang mahal? REVENGE OF...