CHAPTER 13 — BREAKING UP
ANGEL's POV
Nagtungo kami sa isang jewelry shop ni Clyde nang umagang iyon. Gusto ko kasi bumili ng coupled ring para syempre sa aming dalawa. Pagkapasok namin sa shop ay kaagad bumungad sa amin ang isang magandang babae. Nakasuot siya ng formal attire. Kagalang-galang. Kung iisipin mo siya na yata ang manager ng store na ito. Nang makalapit kami sa kaniya ay kaagad nito kaming binati. Nagpakilala siya at tama ako. Siya nga ang manager ng shop.
Nag-usap si Clyde at ang manager habang ako naman ay dumeretcho sa gawing kaliwa ng shop. Nandoon kasi ang mga rings at wrist watches. Natuon ang pansin ko sa isang coupled rings na pure gold. May design itong maliliit na heart na nakapila hanggang sa makabuo ng shape na 'Infinity'. Unique ang disenyo nito at talagang ang ganda.
"Miss, patingin naman nito." Tinuro ko sa sales lady nakita kong coupled rings. Kaagad naman siyang pumunta sa likod ng istante at kinuha ang mga singsing. Si Clyde naman ay lumapit sa akin at kumapit sa bewang ko. Medyo napaigtad ako sa ginawa niya.
"Heto po." Inabot niya sa amin ang mga singsing na natipuhan ko. Nakita ko ang buong design. Napangiti ako nang malapad.
"You like it?" tanong ni Clyde sa akin. Tumango ako ay sinuot para isukat. Sakto. Parang ginawa ito para sa akin. Ganoon din ang ginawa ni Clyde sa hawak niya. Napatingin ako sa mga kamay namin. Pinagtabi ko ang mga iyon para makita kung bagay.
"Bagay na bagay, babe." Niyakap si Clyde. Napangiti lang siya sa ginawa ko.
Pero ilang sandali pa ay nagsalita siya. "Miss, p'wede ba 'tong pa-in-grave-an ng pangalan?"
"Opo. Kasama po 'yon sa freebie kapag bumili po kayo ng coupled rings. May pasunod din pong coupled shirts."
Pinalagyan namin ng pangalan ang mga coupled rings namin pati na rin iyong mga coupled shirts na sinasabing pahabol.
Loisha's POV
Binato ko ang hawak kong gunting sa sobrang inis. Nakatingin lang ako sa phone ko na lagi kong hawak dahil tinatawagan ko si Clyde pero hindi niya sinasagot. Minsan lang niya sinagot at iyon ay para lang sabihin na may date siya. Nakakairita naman. Talagang na etsapwera na ako dahil sa Angel na iyon.
"Isha, ano ba? 'Wag ka nga basta-basta naghahagis. Mamaya customer ang matamaan mo, e." Napairap na lang ako nang marinig ko ang boses ng kaibigan kong si Lysa. Magkasosyo kami rito sa flower shop.
"Nakakainis na kasi, Lysa! Hindi ko na ma-contact si Clyde," sabi ko at padabog na naupo sa may swivel chair. Napahawak pa ko sa sintido ko saka ko nag-dial muli. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napailing siya. Nag-aayos si Lysa ng mga boquet flowers dahil mamaya ay magdedeliver ang mga delivery men namin.
"Huwag ka na umasa, Isha. Busy 'yon. Monthsary 'ata nila ng girlfriend nila, e." Napa-angat naman ako ng tingin sa kaniya.
"How did you know?" tanong ko habang nakataas ang kilay.
"E, kasi tanghali ka na nagising at pumasok dito sa shop. Tumawag siya kanina mga quarter to six. Nag-pa-deliver ng isang dosenang bulaklak sa bahay nila. Pinasulatan din niya sa'kin ang card, so alam ko na monthsary nila ni Angel. Iyon ang pangalan nung babae." Mahaba niyang litanya. Sana ako na lang gumawa nung bulaklak na iyon at nilagyan ko sana ng maraming antik.
"Kaya pala. Monthsary na pala nila." Isang buwan na rin pala niya akong nababaliwala. Ang tagal na naming magkaibigan pero ngayon lang niya ko ginawan ng ganito. At dahil pa sa manang na iyon? 'My goodness! Unbelievable'.
Kaagad ako tumayo at kinuha ang bag ko.
"Hey! Sa'n ka pupunta? Marami pa tayong deliveries mamaya... Huy!" Narinig kong sigaw ni Lysa pero nagtuloy-tuloy lang ako papunta sa kotse ko. Bago ko pumasok sa kotse ko ay nakita ko siyang nakatayo sa may pinto ng shop namin at nakapameywang.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF AN ANGEL [SOON TO BE PUBLISHED under WWG Publishing]
RomanceNaranasan mo na bang ma-inlove? Paano kung masaktan ka sa pagmamahal na iyan? Gaganti ka ba? Kung sakaling gumanti ka, may mapapala ka ba? May maganda bang maidudulot ang pagganti sa taong nakasakit sa'yo kahit na sobra mo siyang mahal? REVENGE OF...