🌸CHAPTER 17🌸

772 23 0
                                    

CHAPTER 17

EUNICE's POV

Wala kaming imikan ni Clyde habang nasa daan pababa. Nakita ko sa mukha niya na hirap siya pero kinakaya niua pa rin ang pagbuhat sa akin.

"Matulog ka. Ipahinga mo ang isip mo. H'wag mo isiping masakit ang paa mo," aniya habang nakatingin sa nilalakaran namin. Hindi ako kumibo.

"Angel, tell me... bakit ka umalis?" Naramdaman ko ang mabigat niyang paghinga sa kabila ng tanong.

"E-eunice ang pangalan ko." Pilit ko pinagaan ang boses ko. Bahagya ko siyang sinulyapan. Tumigil kasi siya sa paglalakad at nakatitig na pala sa akin.

Lumapit siya sa lilim sa ilalim ng isang puno. May malaking bato roon at doon niya ako iniupo.

"Angel, sagutin mo ko. Bakit biglaan kang nakipaghiwalay sa'kin at hindi ka pa nakuntento. Umalis ka pa ng bansa." Pagalit niyang tanong sa akin.

'Wow! S'ya pa talaga ang may ganang magalit?'

"Alam mo, Clyde, nakaraan na 'yon. H'wag na natin balikan pa. Naka-moved on na ako at sa tingin ko, gano'n ka rin naman. Mukhang masaya ka naman kay Loisha." Kinakabahan man ay pilit kong pinasigla ang boses ko.

"You're so unfair. Napaka-selfish mo, Angel. Iniisip mo lang 'yung nararamdaman mo." Napatingin ako sa mukha niya. Nakamata rin siya sa akin at nakikita kong galit at lungkot ang mga nandoon.

"Ako pa talaga, Clyde? Hindi ba parehas lang tayo? Niloko mo nga ako, e," wika ko. Unti-unti nang bubuhay ang mga hinanakit ko sa kaniya.

"Niloko? Sa paanong paraan kita niloko?" Sinamaan ko siya nang tingin.

'At gusto mo talaga malaman, ha? Sige'

"Alam ko na si Loisha ang kasama mo nung panahon na kailangan kita.  Y-you kissed her." Halos pumiyok ang boses ko nang sabihin ko ang mga salitang iyon. Nag-uumpisa na ring manlabo ang mga mata ko dahil sa luha.

Gulat ang rumehistro sa mukha niya.

"Tapos ngayon, tatanungin mo ko ng gan'yan? Na para bang sa ating dalawa ay ako ang masama at i-ikaw ang tama." Halos pasigaw kong sabi sa kaniya. Napayuko siya habang nakahawak sa buhok niya. "Hindi mo alam kung gaano kasakit sa'kin ang makipag hiwalay sa'yo. Ang lumayo." Unti-unti na rin akong naiiyak dahil sa sobrang bigat ng dibdib ko na limang taon kong dinala.
"Pero alam mo, kung sinundan mo man lang siguro ay ako baka sakali pang bumalik pa ko sa'yo, e. Baka hindi kita iniwan. Kaso, hindi. Naging kayo na agad ng kaibigan mong si Loisha. Bakit? Dahil siya talaga ang mahal mo no'n? Na napilitan ka lang sa'kin kasi pinagkasundo tayo ng mga magulang natin. Alam ko naman 'yun, e." Mahaba kong litanya sa kaniya. Napatalungko na siya at tuluyang nanahimik.

"Hindi totoo 'yan. Nung niligawan kita at hanggang maging tayo ay wala akong alam tungkol sa arrangement ng mga magulang natin. Saka kaibigan ko lang si Loisha no'n. Ikaw ang mahal ko no'n." Kahit na alam kong iyon ang isasagot niya. Nasaktan pa rin ako.

"Siguro nga, Clyde. Noon iyon." Napatawa ako nang mapakla. Pinahid ko ang mga luha ko. Ilang minuto rin kaming walang imikan at katahimikan lang ang namagitan sa amin maliban sa mga huni ng mga ibo sa paligid.

"Ang laki na nang pinagbago mo. Mukhang successful ka na ngayon at ibang-iba ka na." Napatingin ako bigla sa kaniya. Nakatitig na naman siya sa mukha ko.

"Tama ka, malaki na nga ang pinagbago ko. And it's all because of you, Clyde." Nakayuko kong sabi.

"Nanliligaw ba sa'yo si Alexis?" tanong niya. Bakit naman niya naitanong? Ano bang pakielam niya? Sila ba ni Loisha ay pinapakielaman ko?

REVENGE OF AN ANGEL [SOON TO BE PUBLISHED under WWG Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon