CHAPTER 5 —
LOISHA's POV
Kanina ko pa napansin na wala sa mood sa Clyde hanggang sa makarating kami sa restaurant. Ramdam ko na ayaw sa akin ni Clyde pero alam kong matututuhan niya rin akong mahalin. Basta magtiyaga lang ako.
Matalik na magkaibigan sina Kuya Lux at Clyde mula pa noong highschool sila. Madalas siya noon sa bahay namin pero dumalang iyon ng magkasakit si kuya. Nasa States siya ngayon at nagpapagamot. Kasama niya roon sina mommy at daddy kaya ako lang ang naiwan dito dahil nag-aaral ako. Si Kuya Lux mismo ang nagsabi kay Clyde na tingnan ako habang wala sila.
"Doon tayo sa dulo," wika ko nang makapasok kami.
Hindi siya kumibo. Sumunod lang siya sa akin hanggang sa makapwesto na kami.
"Anong gusto mong kainin?" tanong ko.
Tiningnan niya ang menu list. Mayamaya pa ay tumawag ng waiter at sinabi ang sariling order.
Nakagat ko ang gilid ng labi ko saka napayuko.
"Sa inyo po, Ma'm?" tanong ng waiter sa akin.
"Kung ano na lang 'yung order niya." Walang gana kong sagot. Naglista ang waiter sa hawak nitong papel saka tumalikod. Sinulyapan ko si Clyde na ngayon ay nakatitig sa mga kubyertos na nasa mesa. Huminga ako ng malalim bago ngumiti ng pilit. "Siya nga pala, Clyde. Birthday na ni Alexis sa Sabado. Pupunta ka ba?"
"Nope," tipid niyang sagot.
"Bakit naman? Magkaibigan din naman kayong dalawa, 'di ba? Come on! Punta na tayo." Pilit kong pinasaya ang boses ko. "Masaya 'yon for sure," habol ko pa.
"Kung gusto mo ikaw na lang." Walang emosyon niyang turan. Ngumuso na lang ako. "Busy ako no'n kaya hindi ako p'wede."
Alanganin akong tumingin sa kaniya. Nandoon na naman ang mga mata niya sa mga kubyertos. Tila doon nakapokus ang kaniyang isipan.
"Ayaw mo ba ko kasama?" Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko upang tanungin siya.
Nagkibit siya ng balikat. "Busy lang talaga ako."
Napayuko ako. Uminit ang mga mata ko. Alam kong anumang oras ay tutulo na ang mga luha ko. Kahit hindi niya sabihin. Alam kong napipilitan lang siya na samahan ako sa mga ganitong lakad ko dahil kay Kuya Lux.
"Sorry..." bulong niya pero narinig ko. Rinig na rinig. Nag-angat ako ng paningin at kaagad na sinalubong ang mga mata niya.
"O-okay lang." Ngumiti ako kahit na halata naman sa mukha ko na hindi.
Ilang sandali pa dumating na ang order namin. Kumain kami ng walang kibuan.
Panghimagas na ang kinakain namin nang biglang may kumalabit sa balikat ko. Alangin akong nagtaas ng paningin at laking gulat ko nang makita kong si Alexis ang nakatayo roon.
"Alexis!" sabi ko. Napatayo pa ako para makipagbeso-beso rito.
"Sabi na nga ba, ikaw 'yan, e. Kumusta ba?" Nakangiti niyang tanong sa akin. Lumingap siya sa gilid ko kung saan nakatingin si Clyde sa amin. "Bro," tawag nito rito. Tinapik pa nito ang balikat ni Clyde. Tumango naman ang huli bilang pagbati.
Napangiti ako. Alam ko kasi na may hindi pagkakaunawaan ang dalawang ito pero matagal naman na iyon. Siguro naman ay nakalimutan na nila kung ano man iyon.
May tumikhim sa likod ni Alexis at doon ko napansin ang isang babae.
"By the this is my girlfriend, Olga. Babe, this is my friends, Loisha, kapatid siya ni Lux at si Clyde. Mga highschool buddies ko."
BINABASA MO ANG
REVENGE OF AN ANGEL [SOON TO BE PUBLISHED under WWG Publishing]
RomanceNaranasan mo na bang ma-inlove? Paano kung masaktan ka sa pagmamahal na iyan? Gaganti ka ba? Kung sakaling gumanti ka, may mapapala ka ba? May maganda bang maidudulot ang pagganti sa taong nakasakit sa'yo kahit na sobra mo siyang mahal? REVENGE OF...