🌸CHAPTER 6🌸

930 24 3
                                    

CHAPTER 6 —

CLYDE's POV

Tuwing araw ng biyernes ay nakasanayan ko ng mag-ehersisyo rito sa bahay. May isang kwarto kasi sa ground floor ang ginawang exercise area na nilagyan ng iba't ibang klase ng equipment na makikita sa totoong gym.

Nakasuot ako ng boxer at puting sando na basang-basa na ng pawis dahil tatlong oras na ako rito. Kasabay ng pagbibilang ko sa pagpupush-ups ay mayroon din malakas na musika ang bumabalot sa loob ng kwartong ito.

"Sir Clyde, may bisita po kayo." Napatingin ako sa isa naming kasambahay na nasa pinto. May hawak siyang basahan saka walis tambo.

Tumayo ako at laking gulat ko nang alanganing sumilip si Angel sa likod ng katulong namin.

"Angel,  what are you doing here?" tanong ko agad habang nagpupunas ng pawis. Napatingin naman ako sa dala niyang paper bag.

Nagtaka naman ako sa biglaan niyang pagtalikod. Napapikit ako ng mariin nang mapagtanto kong naka-boxer at sando nga lang pala ako.

"Give me 15 minutes, Angel. I'll take a quick shower. Hintayin mo na lang ako sa sala." Hindi ko na hinintay pa ang pagsang-ayon niya. Dinaanan ko siya at dumeretso ako sa pangalawang palapag kung saan nandoon ang silid ko.

NAKITA kong nakatayo siya sa harap ng piano organ namin si Angel, mukhang tinitingnan niya iyong mga pictures doon sa ibabaw nito.

Mukhang hindi niya nararamdaman ang presensya ko kaya malaya ko siyang natitigan.

Ang simple lang talaga niya. Nandoon na naman ang cardigan na kulay brown naman ngayon, t-shirt at palda. Reading glass na makapal at mahabang buhok na nakatali lang. Simple pero kung mag-aayos siguro siya magmumukha siyang artista o modelo.

'Kahit mayaman ang pamilya Monteverde, nanatili siyang simple pumorma at may mabuting puso'

Napangiti na lang ako sa naisip ko.

Tumikhim ako upang makuha ang atensyon niya.

"Ay, palakang may korona!"Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib.

'Nagulat ko ba talaga siya?'

Kumunot lang ang noo ko saka lumapit sa kinatatayuan niya.

"Sorry," hinging paumanhin ko.

"Ginulat mo naman ako," aniya sa mahinang boses.

"What are you doing here?" tanong ko. Nakita ko siyang nataranta dahil napansin ang pagiging hindi niya komportable.

"I-isosoli ko lang kasi 'to." Itinaas niya ang paper bag na may disenyong mga puso at teddy bear. "Iyong jacket mo 'to. Nakalimutan ko kasing isoli sa'yo nung binili mo ko ng blouse. Pasensya na saka salamat ulit. Labada na 'yan." Nakayuko siya habang nakataas ang mga kamay.

Kinuha ko iyong paper bag at ipinatong sa isang lamesita.

"Sana ay hindi mo na lang muna sinoli. Ayaw mo bang gamitin muna?"

"H-huh?" Nag-angat siya ng tingin sa akin.

Nagsalubong ang mga mata namin at tila mayroong magnet na kumokonekta sa amin. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kaniyang mga mata. Perpekto ang hugis nito at bagay sa ilong niyang hindi man pango, hindi rin katangusan. At ang labi niyang natural ang pagkapula.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Napapikit ako nang dahan-dahan kong ilapit ang mukha. Lumapat ang sarili kong labi sa kaniya. Dampi lang iyon pero napakatamis na.

Lumayo ako sa kaniya pagkaraan ng ilang segundo. Tinitigan ko ang mukha niya. Lahat ng bawat parte nito at pinakatitigan ko.

Nanlalaki ang mga mata niya na dahilan para matawa ako.

REVENGE OF AN ANGEL [SOON TO BE PUBLISHED under WWG Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon