🌸CHAPTER 12🌸

748 17 0
                                    

CHAPTER 12 —

CLYDE's POV

"Sa'n ba talaga tayo pupunta, Babe?" tanong ni Angel. Kanina pa siya tanong nang tanong pero hindi ko sinasagot. Gusto ko kasi siyang sorpresahin.

"Basta relax ka lang d'yan," wika ko. Hinawakan ko ang kamay niya at dinala iyon sa tapat ng labi ko at hinalikan iyon. Napangiti ako nang makita kong namumula na naman siya.

Magkahawak ang mga kamay namin hanggang sa makarating kami sa isang fine dining resto sa Makati.

"Welcome, Ma'm... sir," bati nung waiter sa amin nang makapasok kami sa loob.

"Table for two," sagot ko.

"Alright, sir. This way please." Naunang maglakad ang waiter at agad kami sumunod. Hanggang sa dalin kami nito sa pinaka VIP table. Sa garden ang lokasyon nito kaya kapansin-pansin ang mga halaman at mga bulalak. Iba't iba rin ang hugis at kulay ng mga ilaw na nakakalat sa mga iyon.

"Dito po sir." Turo nung waiter.

"Thank you." Kaagad kong pinaghila ng upuan si Angel at inalalayan. Inasikaso muna kami ng waiter sa aming table bago kuhanin ang mga order namin. Nang makaalis na ang waiter ay naramdaman kong sinipa ni Angel ang paa ko sa may ilalim ng mesa. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Clyde, bakit dito mo ko dinala? Ang mahal dito. Class na class." Nanlalaki pa ang mga mata niya dahilan kaya muntik na akong matawa.

"Hey! Relax, babe. Ayos lang 'an. Espesyal ka sa'kin kaya dapat ganitong lugar ka dinadala," wika ko at hinawakan ang mga kamay nito. "Let's just enjoy the food and the atmosphere, okay?"

"Pero, babe, bukas pa naman ang first monthsary natin. Bakit ngayon mo ko dinala dito?" tanong niya.

Ngumiti muna ako bago sumagot. "Babe, alam ko 'yon. Ngayon ay date natin. Bukas mag-de-date rin tayo pero sa iba naman."

"What?" Gulat na tanong niya.

"Oo nga, narinig mo ko, 'di ba?" Tiningnan nito ako ng masama. "Huwag mo ko tingnan ng gan'yan, babe." Natatawa kong sabi.

Mayamya ay dumating na ang mga order namin at nagsimulang kumain. Unang nai-serve sa samin ay appetizer na cornshrimp soup. Sumunod naman ang medium rare na beef steak bilang  main course.

"What do you think?" Nakangiti kong tanong.

"Masarap," aniya habang nagpupunas ng puting tela sa kaniyang pisngi. Ilang sandali pa ay dumating na ang aming panghimagas na banana split.

Makaraan naming kumain ay saglit pa kaming nagkwentuhan. Tawa kami nang tawa sa mga nakakatuwang pangyayari na binabahagi namin sa isa't isa.

Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. "Let's go babe. It 's getting late." Tumango naman saya at tumayo. Pero bago kami makalabas ng resto ay may tumawag ng aking pangalan.

"Clyde!?" Napalingon ako pinanggalingan ng tumawag sa akin.

Si Kyla pala.

Agad naman siyang lumapit sa amin ni Angel. Hinawakan ko yung kamay niyang nanlalamig.

"What?" Malamig kong tanong.

"Clyde, you're so rude! Gan'yan mo ba ko babatiin pagkatapos ng pinagsamahan natin?" Nakangiti noyang tanong. Deretso sa mga mata ko nakatingin. Lalo ako nakaramdam ng inis nang kumapit pa ito sa braso ko. Mabilis ko iyong tinanggal at napatingin kay Angel na halatang naiinis na rin.

"Dont touch me, Kyla."

"And why? I'm your Girlfriend," wika niyang binigyan ng diin ang huling salitang binanggit.

REVENGE OF AN ANGEL [SOON TO BE PUBLISHED under WWG Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon