CHAPTER 14 — PICTURES
ANGEL's POV
Masama ang pakiramdam ko nang magising ako ng araw na iyon. Hindi ko alam pero parang wala akong gana kumain at nanglalata ang buo kong katawan. Napasulyap ako sa alarm clock na nasa night stand, 6:46 na pala nang umaga. May pasok ako ngayon para sa subject na English Literature. Pilit ako tumayo at saka pumunta ng banyo upang gumayak na sa aking pagpasok.
Nang bumaba ako sa dining area ay naabutan ko roon ang aking mga magulang. Kumakain na sila. Si daddy ay nag babasa ng dyaryo habang kumakain. Si mommy naman ay busy sa kaniyang tablet. I don't know kung ano tinitingnan niya roon. Malang ay business matters.
"Morning." Matamlay kong bati sa kanila. Sinulyapan nila ako tapos tumigil sila sa ginagawa.
"Baby, are you okay?" Napatingin ako kay mommy na ngayon ay nakalapit na pala sa akin.
"Medyo masama lang po ang pakiramdam ko," turan ko sa kanila habang nakatingin lang sa pinggan na nasa harapan ko.
"Huwag ka na muna kaya pumasok ngayon, anak? Alam na ba ni Clyde na masama ang pakiramdam mo?" tanong ni Dad. Ilang sandali akong natulala at natigilan. Mayamaya ay umiling lang ako. Wala akong balak na sabihin sa kaniya iyon.
"You should tell him, anak, mag-aalala 'yon sa'yo," ani mommy. Hindi na lamang ako kumibo. Kahit na napipilitan ay pinilit ko pa ring kumain dahil pinapainom ako ng gamot.
Nang matapos ako sa pagkain ko, kaagad ako bumalik sa kwarto ko. Hindi na muna siguro ako papasok ngayon. Umiikot ang buo kong katawan.
TRISHA's POV
Naglalakad ako riito sa mall para bumili ng bagong dress. Naghahanap din ako ng pwedeng ipangregalo sa kapatid kong si Alexis. Kapatid ko siya sa ama. Kailan na lang kami naging close pagkaraang mamatay ng daddy namin. Sa kanila na rin kami tumitira ng nanay ko noon pa man.
Abala ako sa pagpili sa isang department store ng isang kilalang tindahan ng mga relo. Pumili ako roon at nang may matipuhan ako ay kaagad ko iyong binili. Wala kasi akong regalo kay Alexis nung birthday niya. Sinabi ko na lang na hahabol ko iyon. Mabuti na lang at pumayag. Papasok sana ako sa isang botique shop nang may mahagip ang mga mata ko.
Nakita ko si Clyde. Sigurado akong siya iyon. May kasama siyang babae. Nag-aalangan tuloy akong lumapit dahil baka si Angel iyon. Hangga't maaari ay ayaw kong malaman niyang ex ko si Clyde. Ayaw kong isipin niyang malaki akong hadlang para sa kanila dahil ang totoo ay hindi. Matagal na akong nakapag-move-on dito. At masaya ako para sa kanila ni Clyde.
Papasok na sana akong tuluyan sa loob ng botique nang mapagtanto kong hindi ganoon ang porma ng kaibigan ko. Tinitigan ko silang maigi. Hindi ko maalala pero parang nakita ko na ang babaeng iyon. Napataas ang kilay ko nang kumapit sa braso ni Clyde iyong babae.
At parang ang sweet pa nila.
Nanlaki ang mga mata ko.
Hinalikan ni Clyde iyong kasama niya? Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at kinuhanan ng litrato ang dalawa. Gusto ko mainis kay Clyde. May nangyari ba? Paanong may kahalikan siyang iba? Akala ko pa naman mabait at talagang mahal ng lalaki na ito ang kaibigan ko.
ANGEL's POV
Narinig kong may kumatok muna sa pinto ng aking kwarto bago ko maramdaman na may pumasok dito. Nakapikit lang kasi ako at nakahiga. Sobrang masama ang pakiramdam ko at ngayon ay nilalagnat na ako.
"Hija, may bisita ka." Si Yaya pala. Umungol lang ako bilang pagtugon. "Si Trisha, 'yung kaibigan mo." Dumilat ako at sandaling natigilan. Muling nangilid ang mga luha ko. Gusto ko sanang paalisin ito pero naisip kong maigi nang magkausap kami. Sasabihin ko na rin dito na nagpapaubaya na ako. Sinabihan ko si yaya na sa baba na lang ako hintayin ni Trisha. Mag-aayos lang ako ng aking sarili.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF AN ANGEL [SOON TO BE PUBLISHED under WWG Publishing]
RomanceNaranasan mo na bang ma-inlove? Paano kung masaktan ka sa pagmamahal na iyan? Gaganti ka ba? Kung sakaling gumanti ka, may mapapala ka ba? May maganda bang maidudulot ang pagganti sa taong nakasakit sa'yo kahit na sobra mo siyang mahal? REVENGE OF...