🌸CHAPTER 11🌸

720 21 0
                                    

CHAPTER 11 —

Clyde's POV

DALAWANG linggo ang mabilis na lumipas. Ayaw pa rin akong pansinin ni Angel. Ayaw niya sagutin ang mga tawag at mga texts ko.

Nagagalit ako kay Loisha. Dahil sa kapangahasan niya ay nakasakit kami. Hinalikan niya ako kahit alam niyang nasa harapan namin si Angel. Aaminin ko, nagulat ako sa ginawang iyon ni Loisha pero nang mapagtanto kong nakatingin si Angel, natauhan ako. Umiyak siya at nasaktan ako. Doble iyong sakit sa puso ko nang makita kong tumulo ang mga luha niya.

FLASHBACK

Tumakbo siya palabas ng gate hanggang sa makasakay ng taxi cab. Humihingal akong napahinto. Napatungkod ako sa mga tuhod ko at yumuko. Ang init. Pawis na pawis ako. Hinabol ko siya pero talagang tinakbuhan niya ako.

"Clyde... Clyde!" Si Loisha. Humihingal din siya sa tabi ko. Mukhang hinabol di niya ko. Napatingin ako sa kaniaya. "Oh my God! Clyde, 'wag mo na siya habulin. Nagpapagod lang tayo." Maarte niyang wika.

Seryoso akong tumayo at hinarap si Loisha.

"Loisha, bakit mo ba 'yon ginawa?" Tumingin siya ng seryoso sa akin na nakataas pa ang kilay.

"A-ang alin?"

Napapikit ako ng mariin. "P'wede ba, Loisha? Bakit mo ba kasi 'yon ginawa? At sa harap pa talaga ni Angel?" Tinuro ko pa ang kalsadang pinuntahan ng taxi.

"So what kung gawin ko 'yon and so what ulit kung sa harapan niya? I don't care!" Taas kilay niyang sabi.

"I asked you first, Loisha." Malamig kong sabi. Napipikon na ako pero pilit ko pa ring pinapakalma ang aking sarili.

"W-wait. Calm down, okay? Ginawa ko lang naman 'yon kasi..." Tumigil siya.

"Ano?" Inip na inip na ako sa sagot niya.

"Because I love you, Clyde. Alam kong alam mo 'yan! Pero hindi kita maintindihan... b-bakit mas mukhang type mo pa ang babaeng 'yon? Ang panget niya! Old fashion at... ang panget niya!" Nanggigigil nitong sabi. Umiling ako. "Sabihin mo nga sa'kin, bakit siya ang nagustuhan mo? Mas maganda akong 'di hamak kaysa sa kaniya. Mas maganda pumorma. Bakit, Clyde? Anong nangyari sa'yo?"

"Because she's not you. She's innocent and she's different. I like her... no, I love her."

"What? No... no... nagkakamali ka. Hindi p'wede 'yon! Kakakilala mo lang sa kaniya. H-hindi p'wede! Ako, Clyde. Ako na lang. M-mhal kita. Mahal na mahal!" Lumapit pa siya sa akin at niyakap ako pero kinalas ko iyon.

"Hindi imposibleng mahalin ko siya kahit na sandaling panahon pa lang kaming magkakilala. We're dating and I know, mahal din niya ko kaya, Loisha, please. Huwag ka na makigulo. Baka makalimutan kong kapatid ka ng bestfriend ko!"

Isang malakas na sampal ang ginawad niya sa aking pisngi. Napangiwi ako pero hindi ko ininda ang sakit. Nanatiling nakapihit ang mukha ko.

"S-sorry, Clyde..."

"It's okay. Palalampasin ko ang ginawa mo pero I'm warning you, lubayan mo kami ni Angel." Tatalikod na sana ako para balikan ang kotse ko nang magsalita siya.

"Matatanggap ka pa kaya niya kapag nalaman niyang ex mo ang bestfriend niyang si Trisha? I don't think so, Clyde. Magpapagod ka lang at magsasayang ng oras sa babaeng 'yon!" sigaw niya. Hindi ako lumingon sa kaniya.

Naglakad ako ulit.

"Clyde! Clyde!" tawag niya. Hindi ko na lang siya pinansin. Inis na inis ako sa kaniya.

END OF FLASHBACK

Gusto kong maka-usap si Angel. Gusto kong magpaliwanag sa kaniya. Gusto ko sabihing mahal ko siya. Pero palagi akong bigo dahil ayaw niya akong harapin. Sinasabi ng katulong nila na wala siya pero alam ko nagtatago lang siya sa loob ng bahay nila.

REVENGE OF AN ANGEL [SOON TO BE PUBLISHED under WWG Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon