🌸CHAPTER 20🌸

669 19 0
                                    

CHAPTER 20 — CHANGING OF MIND

EUNICE's POV

Halos kumabog ang puso ko sa kaba ko kanina nang makita ko si Alexis sa bahay. Ayaw kong malaman niya ang tungkol sa amin ni Clyde.

"You okay?" Napalingon ako kay Clyde. Naramdaman ko rin ang kaniyang kamay na humawak sa aking kamay.

"Y-yeah..." sagot ko. Napansin kong tiningnan niya ako sa mga mata ko habang seryoso ang kaniyang ekspresyon. Parang inaaral ang mukha ko.

"Order na tayo?" tanong ko. Biglang gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi at saka tinawag ang waiter upang sabihin kung ano ang order namin.

"NERVOUS?" Napalingon sa aking ina na ngayon ay nakatayo sa pinto sa loob ng kwarto. Ngumiti ako sa kaniya.

"Close your eyes, ganda." Narinig kong utos sa akin ng make-up artist. Pinikit ko ang aking mga mata upang malagyan ito ng eye shadow.

"Medyo, mmy," sagot ko kay mommy. Naramdaman ko ang paghakbang nito papalapit sa aking tabi. Nasa harapan ako ng malaking salamin na may mga bumbilya sa paligid nito.

"Natural lang iyan, basta enjoy your party, okay?" Hinawakan nito ang kamay ko at bahagyang pinisil.

"Yes, mmy. I will."

Bukod kasi sa birthday party ko ngayon ay  ito rin ang gabi na sasagutin  ko si Clyde para maging official na kami. Gusto na kong maisagawa ang plano kong paibigin itong muli at iwanan.

'Iiwanan?'

Nakaramdam ako ng lungkot nang maisip iyon.

'Baka naman pwedeng huwag na lang ako maghiganti.
Ituloy na lang namin ang relasyon namin.'

Umiling ako dahil sa naisip ko.

'Baka nakakalimutan mo, Eunice. Sinaktan ka niya. Pinagpalit ka niya kay Loisha. Niloko ka niya,' sigaw ng isipan ko. Naikuyom ko ang mga palad ko dahil naalala ko na naman ang sakit ng nagdaan.

'Oo nga pala, I'm just a rebound here.'

Napangiwi siya sa kaniyang naisip. Napabuntong hininga na lamang ako.

MALAWAK ang garden namin kung saan dinaraos ang aking party. Mayroong pool na may mga iilang boquet of flowers na nakakalat sa tubig. May mga lamesa rin na makikita sa bawat sulok at bahagi ng hardin.

Nanlalamig ang mga kamay ko at dinadaga ang dibdib ko. Heto na ang gabing bibigyan ko ng pangalawang pagkakataon si Clyde.

Nilapitan ako ni Clyde habang naglalakad ako palabas sa garden.

"Angel,"

"C-clyde... bakit nandito ka? Hindi ba't nandoon ka dapat sa labas?"

"Yeah I know, sorry. Gusto lang talaga kita makita saka batiin ng personal." Ngumiti siya sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay saka marahang hinalikan ang likod noon. "I love you, my Angel. Happy happy birthday," bati niya sa akin. Ang mga salitang iyon ang humaplos sa aking puso. Tila nawala lahat ng sakit na naramdaman ko na siya ang nagdulot.

Tinitigan ko siya sa mga mata.

Gusto ko magdesisyon ngayon. Ayaw kong maging makasarili. Susundin ko na ang puso ko. Susugal na ako. Ano't ano man ang kalabasan nito. Bahala na. Ang mahalaga, maging masaya ako.

"Good evening, ladies and gentlemen. Hindi ko na papatagalin pa ang pagsasalita rito sa inyong harapan dahil gaya ninyo, excited din ako." Napalingon ako sa entablado kung saan nakatayo si Precious na siyang nagmamay-ari ng boses.  "Tawagin na natin ang aking kaibigan na nagcecelebrate ng kaniyang kaarawan, Eunice..."

REVENGE OF AN ANGEL [SOON TO BE PUBLISHED under WWG Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon