🌸CHAPTER 9🌸

809 23 2
                                    

CHAPTER 9 —

ANGEL's POV

Linggo nang umaga ng makatanggap ako ng text mula kay Clyde. Inaaya niya akong mamasyal. Hindi ko alam kung saan dahil nang tanungin ko siya ay surpresa lang ang tanging reply niya.

"Yaya, ano po ba ang mas magandang isuot ko sa mga nasa kama? Itong may blue ba na cardigan o itong may ternong puti?" tanong ko kay yaya. Kasalukuyan niyang pinaplantsa ang palda na aking susuotin.

"Kahit ano naman ay bagay sa'yo, hija. Saan ka ba komportable?" Nakangiti siya habang pinapasadahan ng mainit na bagay ang damit ko.

"Hindi ko nga po alam, e. Dati ay wala akong pakielam kahit anong itsura ko pero ngayon, iba. Parang palagi akong maiihi tapos kabadong-kabado po ako. Hay!" Ginalaw-galaw ko pa ang mga kamay ko dahilan upang matawa si yaya.

"Dalaga ka na talaga. Alam mo na ang pakiramdam ng inlove," aniya na kinangiwi ko.

"I-inlove? Hindi po ako inlove, Ya. S-siyempre po ayokong mapangitan sa itsura ko si Clyde -"

"...kasi nga inlove ka na. May nararamdaman ka na para sa binatang iyon kaya gusto mo magustuhan niya kung ano man ang ayos mo, tama ba?"

Ngumuso lang ako saka naupo sa kama. Tiningnan ko ang mga damit na nakalatag doon at tiningnan isa-isa.

"Hindi ko po alam kung love na ba talaga itong nararamdaman ko, yaya. B-baka mamaya, crush lang o baka infatuation lang. Ang bata ko pa para maramdaman 'to."

Natawa si Yaya habang nilalagay sa hanger ang palda ko. "Alam mo, wala naman sa edad 'yan. Kahit gaano ka pa kabata o katand, kapag tinamaan ka ng pana ni Kupido, wala ka nang magagawa pa. Kaya hangga't mas maaga mo itong naramdaman, mas maganda. Mas matagal ninyo maipaparamdam sa isa't isa ang laman ng inyong mga puso."

Napa-isip ako sa sinabi niya.

In-love ba talaga ako kay Clyde? Pero paano nangyari iyon sa napakabilis na panahon? At kung sakali mang tama sila. In-love nga ako pero paano si Clyde? Parehas ba kami ng nararamdam?

'M-mahal din kaya niya ako?'

Nagising ang diwa kong naglalakbay nang may kumatok sa pinto. Lumapit si Yaya roon at pinagbuksan si mommy. Nakangiti ito habang may dalang pizza.

"I bought you hawaiian pizza, baby, for breakfast." Ngumiti ako sa kaniya. Napansin niyang abala sa pag-aayos si yaya sa susuoti kong mga damit. "May lakad ka, anak?" tanong niya nang makalapit siya at maupo sa tabi ko.

"Yes," bulong ko. Naitanong ng isip ko kung sasabihin ko ba rito o hindi.

"Talaga, saan naman?" aniya. Binuksan niya ang kahon ng pizza at mabilis na kumalat ang amoy nito sa hangin. "Ang bango..."

"Hindi ko po alam. Surprise raw po sabi ni Clyde."

"Clyde? As in...? Wait, akala ko ba magkaibigan lang kayo? Bakit magdadate na yata kayo?" Natatawa si mommy.

"It's not a date, mommy." Pinilit kong maging normal ang kilos pati boses kaso ang puso ko ay tinatraydor ako. Ang lakas ng kabog nito. Parang gusto kumawala sa katawan ko.

"Really?" Nang-aasar niyang tanong. Nagkatingin sila ni yaya saka nagngitian. "Ano bang susuotin mo?" Tumingin ang mga niya sa kama. "Oh my God! Don't tell me you're going to wear these...clothes?" Hinawakan niya na animo diring-diri ang mga pang-itaas kong damit.

"Yes, mommy. Wala namang masama, 'di ba?" Patay-malisya kong sabi. Nagkunwari akong walang alam sa sinasabi niya.

"Anak, you should wear a nice and pretty dresses. May pambili ka naman pero bakit ba nagustuhan mo ang ganiyang klaseng mga damit?"

REVENGE OF AN ANGEL [SOON TO BE PUBLISHED under WWG Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon