🌸CHAPTER 7🌸

787 25 2
                                    

CHAPTER 7 —

Clyde's POV

Papunta na ako sa unibersidad ni Angel para sunduin sila ng kaibigan niya. Gusto ko rin sana siyang ayain na kumain sa labas. Hindi ako nakakain ng tanghalain dahil inaway ako ni Kyla.

FLASHBACK

"Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang kanina pa ko rito? Anong oras na? My God, Clyde, mag-aalas dos na! Kung hindi ako nagkakamali ay trenta minuto lang ang byahe mula sa inyo hanggang dito," sigaw niya sa akin nang bumaba ako ng kotse. Sinalubong na niya ako sa parking lot pa lang at dito binungangaan. Namumula na anf buo niyang mukha sa galit.

"I'm sorry. Natraffic ako, e," paliwanag ko. Lumapit siya sa akin saka mas nilakasan ang boses.

"Na traffic? Oh come on, Clyde. Napakasinungaling mo na yata ngayon? Ang sabihin mo nambabae ka na naman," turan niya na dinuro pa ko sa dibdib.

Hindi ko siya pinansin. Napako ang mga mata ko sa mga bato sa lupa.

"Mas inuuna mo ang ibang babae kaysa sa'kin na girlfriend mo! I hate you, I hate you!" Sinuntok niya ang dibdib ko pero mabilis kong inawat ang mga kamay niya.

"Enough. Nandito na ko, Kyla. Tigilan mo na 'yan." Pilit kong pinapaklma ang sarili ko.

Pero hindi siya tumigil.

"Sino ba 'yang nilalandi mo ngayon at mukhang mas importante pa siya kaysa sa'kin. Napaka selfish mo!" Naiiyak niyang sabi.

"Will you please shut up, Kyla? Gumagawa ka ng eksena. Pinagtitinginan tayo ng mga tao dahil sa mga pinagsasabi mong wala namang kwenta!"

"Bakit? Ako ba ang may ginagawang masama? Bakit ako mahihiya? Hindi ba't ikaw ang dapat mahiya?" sigaw na naman niyang muli.

"Alam mo, mag-break na lang tayo. Tutal gano'n naman ang tingin mong ginagawa ko, 'di ba?"

Kitang-kita ko kung paano siya natigilan at nanlaki ang mga mata niya. Gulat na gulat sa sinabi ko. "What? Are you serious?" Nakita kong naluluha na mga mata niya pero mas nainis lang ako sa kaniya.

"I'm serious, Kyla. Break na tayo." Tumalikod ako sa kaniya at sasakay na sana ulit pero mabilis siyang nakahabol at pinigilan ako sa braso.

"Clyde, bawiin mo 'yung sinabi mo. Nagbibiro ka lang, 'di ba?" sabi niya habang umiiyak. Niyakap pa niya ako pero inalis ko ang mga braso niyang nakayapos sa aking katawan. "I love you, Clyde. Mahal mo rin ako, 'di ba?" Yumakap na naman siya ulit, mas mahigpit. Hindi ako kumikibo kaya hinalikan niya ako sa labi. Hindi ako tumugon.

Ang mga iilang tao na dumaraan sa parking lot ay napapatingin sa amin.

Mabilis ko siyang tinulak.

"Stop, Kyla. Tama na, tapos na tayo." Tinalikuran ko siya at sumakay ako sa kotse. Nakababa ang salamin nito at kitang-kita ko kung paano niya naihilamos ang mga pala niya sa kaniyang mukha.  Binuhay ko ang makina ng sasakyan saka nagmaniobra.

"You'll pay for this, Clyde. I hate you!" Narinig kong sigaw ni Kyla. Matalim ang mga mata niya sa gawi ko nang sulyapan ko siya gamit ang side mirror ng kotse ko.

END OF FLASHBACK

Pumarada ako sa gilid ng gate ng eskwelahan ni Angel. Hindi ako bumaba at napagpasyahang sa loob na lang ako maghihintay.

Kinuha ko ang cellphone ko at doon nagtipa ng mensahe para rito.

To: Angel
Nasaan ka na? Nasa gilid lang ako ng gate ng school ninyo.

Ilang sandali pa ay tumunog na ang cellphone ko.

From: Angel
Okay. Sige papunta na.

Napangiti ako ng wala sa aking loob. Mabilis kong tiningnan sa salamin ang mukha ko. Nagwisik din ako ng mamahalin kong pabango na para lamang sa mga lalaki.

REVENGE OF AN ANGEL [SOON TO BE PUBLISHED under WWG Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon