CHAPTER 18 — INVITATION
EUNICE's POV
"Ang kapal ng mukha ng babaeng 'yon para pagsalitaan ka ng gano'n. Hindi naman maganda!" Galit na turan ni Precious patungkol kay Loisha. Naikuwento na kasi ni Alexis ang nangyari sa iba pa naming mga kaibigan. Gusto pa nga nito na sugurin ang babae ngunit pinipigilan lang nila Gracie at Rodrey.
"Calm down, Prey. Masyado kang hot." Pagpapakalma ni Gracie sa kaibigan nila. Ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa usapan.
Ang kapal naman talaga niya. After all this time, ako pa talaga ang malandi? The nerve!
Naramdaman kong may humawak ng kamay ko, "Alexis..." Naupo rin siya sa tabi ko. Ngumiti siya sa akin habang hawak pa rin ang isang kamay ko.
"Pagpasensyahan mo na si Loisha. Minsan umaatake lang talaga ang pagiging warfreak n'ya." Nagtaas-baba muna ako ng dibdib ko bago ako ngumiti sa kan'ya.
"It's fine. Ang ayaw ko lang ay 'yung mga paratang n'ya sa akin. She didn't know me. The real me. Pero kung husgahan n'ya ko ay masyadong nakakawala ng pinag-aralan." Naramdaman ko na naman ang pagdiin nito sa kamay ko na hawak niya. Napalingon ako sa kaniya habang siya nakatingin lang kung saan.
"Nagselos lang marahil ang kaibigan ko. Mabait naman s'ya." Hinila ko ang kamay ko. Akala ko naman ay ako ang kakampihan nito pero nagkamali ako. "Don't get me wrong, Eunice. Matagal ko nang kilala si Loisha and I know may reason kung bakit s'ya nagkagano'n." Napatayo ako at napatingin ng masama sa kaniya.
"Really? Grabe! Parang ibang Alexis ang kausap at kasama ko ngayon. Tell me, are you trying to say na baka tama ang kaibigan mo? Na baka totoo ang mga sinabi n'ya?" Nang mga oras na iyon ay ibig kong maluha. Of all people, siya pa talaga ang unang kakampi sa babaeng iyon?
Hindi ko na hinintay pang magsalita pa si Alexis. Tinalikuran at iniwan ko siya. Nauna na akong sumakay ng kotse. Bahala na sila kung susunod sila. Kahit na masakit ang paa ko pinilit ko talaga na maihakbang. Hindi ko na kaya marinig pa ang mga susunod na sasabihin nito.
Pabalya kong sinara ang pinto ng kotse nang makasampa ako. Naiinis ako. Nagagalit ako sa kanila. Kay Alexis. Sa Loisha na iyon. At kay Clyde. Mga bwisit sila. Sinandal ko ang ulo ko sa may head board ng upuan. Pinikit ko rin nang mariin ang mga mata ko.
Nakaramdam ako ng pagsakit ng aking sintido kaya bahagya ko itong hinagod ng aking kamay. Napadilat lamang ako nang may kumatok sa may bintana sa tapat ng kinauupuan ko.
I saw Gracie and Preycious. Binuksan ko ang pinto ng kotse at ngumiti sa kanila. "Why?" Nagkatinginan muna ang dalawa bago nagsalita si Gracie.
"Alam namin na nagagalit ka sa Loisha na iyon dahil sa mga sinabi n'ya. Kilala ka namin Eunice. Ayaw mo sa lahat ang pinaparatangan ka ng mga taong hindi ka naman kilala." Seryoso itong nagsasalita habang ako at si Precious naman ay nakikinig lang.
"I'm fine, girls. Don't worry." Pagsisinungaling ko sa kanila. Totoo naman ang mga sinabi na iyon ni Gracie.
"We have a plan."
Napatingin ako kay Precious. "Plan?" Tumango ang mga ito at saka lumapit at sinabi sa akin ang mga 'plano' nila.
HINDI ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga sinabi ng mga kaibigan ko kanina bago kami umuwi.
"Hija, kamusta ang hiking?" si mommy. Lumapit siya sa akin at tumabi sa pagkaka-upo ko sa kama.
"Epic failed, mom. My foot was fractured. And..." Naramdaman ko na lang na lumalabo ang paningin ko. Ang mga luha ko ay unti-unti nang namumuo sa mga mata ko. Para akong bata na nagsusumbong kay mommy. Nakakaiyak.
BINABASA MO ANG
REVENGE OF AN ANGEL [SOON TO BE PUBLISHED under WWG Publishing]
RomanceNaranasan mo na bang ma-inlove? Paano kung masaktan ka sa pagmamahal na iyan? Gaganti ka ba? Kung sakaling gumanti ka, may mapapala ka ba? May maganda bang maidudulot ang pagganti sa taong nakasakit sa'yo kahit na sobra mo siyang mahal? REVENGE OF...