🌸CHAPTER 8🌸

775 20 1
                                    

CHAPTER 8 —

CLYDE's POV

Uunahin kong ihatid si Loisha dahil bukod sa mas malapit ang bahay nito sa resto na pinanggalingan namin ay kailangan kong makausap si Angel. Kanina pa siya walang kibo sa likog habang si Loisha naman ay daldal nang daldal.

"Excited na nga ako para bukas sa party ni Alexis. Wait, may damit ka na ba?" tanong ni Loisha sa akin. Sinulyapan ko si Angel sa salamin at agad nagtama ang mga mata namin. Lilingonin ko sa sana siya pero muli na namang nagsalita anf katabi ko. "Sinabi ko kay kuya na hindi ka pupunta. Nagalit siya sa akin. Akala niya kulang ang efforf ko para mapilit kitang isama. Nag-alala nga ako kasi lumungkot 'yung mukha niya," aniya. Bahagyang bumagal ang pagsasalita.

"Bakit kasi kailangan pa ko sa party ni Alexis?"

"Ano ka ba? Magkaibigan kayo kaya malamang kailangan ay nandoon ka rin. Huwag ka ngang killjoy! Basta, pupunta tayo and that's final."

Narinig ko ang pagsinghap ni Angel sa likod. Alam ko kasi na hindi siya komportable sa presensya ni Loisha. "Angel, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.

"O-oo."

"Ofcourse, she is. Huwag ka ngang overacting, Clyde. Masyado mo naman yatang bini-baby si Angel? Kung sabagay... mukha namang walang alam si Angel." May ibang meaning ang sinabi niya kaya sinaway ko siya.

"Shut up, Loisha. Hindi ako sigurado bukas."

"Really? Tatawagan ko si Kuya para siya na lang mismo ang kukumbinsi sa'yong samahan ako. O, nandito na pala tayo. Thanks for the ride," aniya nang iparada ko sa harapan ng gate nila ang kotse ko. "Don't forget to fetch me tomorrow, okay? Magtatampo si kuya sa'yo kapag 'di mo ko sinamahan. Bye, Angel. Nice to meet you and... nice outfit," habol pa nito bago bumaba. Tumawa pa ito na animo nang-uuyam.

Hindi ko muna pinaandar ang sasakyan. Gusto kong sundan si Loisha para pagsabihan pero ayaw ko namang iwanan dito si Angel.

"Angel, are you okay?" tanong ko. Hindi ako mapakali dahil wala lang siyang kibo. Nanatiling nakatingin sa bintana. "Angel..." tawag ko muli sa kaniya.

"H-huh? Oo, ayos lang ako." Ngumiti siya pero halatang pilit. Hindi man lang siya lumingon o sa akin.

"May problema ba?" Nag-aalalang kong tanong.

"Ang ganda ni Loisha, 'no? Bakit 'di mo siya ligawan or niligawan mo na ba siya?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin. Tiningnan ko siya pero blangko ang mukha niya. Hindi ko matukoy kung ano iyong nararamdaman niya. Ang hirap niyang basahin.

"Magkaibigan lang kami ni Loisha. Kapatid siya ng bestfriend kong si Lux na ngayon ay nasa Amerika. May sakit itong Leukemia at stage 2 na. Doon siya dinala ng mga magulang para magpagamot. Naiwang mag-isa dito si Loisha at sa akin binilin ni Lux ang kapatid niya." Paliwanag ko. Nakatingin lang ako sa kaniya na ngayon ay mapungay na ang mga mata. Kahit may salamin siya ay alam kong nakatitig siya sa akin.

"Kahit na. Wala bang chance na magkagusto ka sa kaniya. Halata pa naman sa kaniya na malaki ang pagkakagusto niya sa'yo. Tingin mo?"

"Wait, bakit ba 'yan ang pinag-uusapan natin?" tanong ko. Nag-iwas lang siya ng tingin. Hindi sya kumibo.

Binuhay ko ang makina ng sasakyan saka binaybay ang kalsada pauwi sa kanila.

Bakit ganito?

Parang hindi ako makahinga. Gusto kong alamin kung may problema ba siya sa akin. Alam ko naman na masama ang unang pagkikita nila ni Loisha pero bakit parang nagseselos siya? Hindi ko kaya na hindi niya ko pinapansin at ayaw kong maghiwalay kami ng ganito siya kalamig sa akin.

REVENGE OF AN ANGEL [SOON TO BE PUBLISHED under WWG Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon