🌸CHAPTER 19🌸

773 19 0
                                    

CHAPTER 19 — LET'S START AGAIN

EUNICE's POV

Kanina ko pa pinagmamasdan ang status na iyon ni Clyde sa kaniyang facebook account. Hindi ko maiwasan na matuwa. Panaka-nakang napapangiti rin ako sa tuwing iisipin ko na hiwalay na sila. Sa wakas, masisimulan na namin ang plano. Ang planong pagganti ko kay Clyde.

Nasa ganoong pag-iisip ako nang tumunog ang phone ko. Notification pala sa messenger. May request message ako. Tiningnan ko kung kanino galing. Ganoon na lamang ang pagtahip ng aking dibdib nang mabasa ko kung sino ang sender ng message na iyon.

Clyde R. Romualdez

I accepted his message request. Napangiti ako nung maging dalawa na ang mensaheng buhat sa kaniya.

Clyde: Hi, Eunice.

Clyde: Kumusta ka na?

Mabilis akong nag-isip ng ititipa na mensahe bilang sagot. Dapat ba sweet kaagad ako? Kaso baka sabihin, ang flirt ko.

Ako : I'm fine. Ikaw?

Clyde: Mabuti naman ako. Kumain ka na ba?

Ako: Oo tapos na.

Clyde: Good. P'wede ba tayo kumain sa labas para makapag-usap na rin.

Lihim ako nakaramdam ng excitement pero natakot din ako. Magkikita kami. Paano kung hindi ko mapigilan sarili ko. Mahalata niya ko.

'Damn! What should I do?'

Clyde: Eunice?

Ako: Yes.

Mali ako. Dapat may question mark iyon, 'di ba? Hindi tuldok. Baka isipin niya ang easy-to-get ako.

Ako: No.

Ako: I mean I'm not sure. I'll check first my schedule for tonight.

Send ko agad ng isa pang message sa kaniya. Nakita ko na nag-ta-type na siya pero nawala. Tapos  mag-ta-type ulit saka mawawala. Mayamaya pa ay nawala ito. Hindi na ata naka-online.

Nakaramdam ako ng kaonting pagkadismaya sa kaniya. Ang bilis naman niya sumuko.

Clyde: Alright.

Biglang nagpop-up ang mukha ni Clyde. Ganoon lang?

'Hindi man lamang mamilit?'

Ako: Okay. Na tingnan ko na and wala naman akong lakad.

Clyde: Good. So pa'no? Sunduin kita d'yan mamaya. Around 7pm. Is it okay with you?

Ako: Okay.

Bigla akong napatayo sa kama ko. Dumeretso ako sa walking closet ko para mamili ng isusuot ko later. Hindi naman halatang natataranta ko, ' di'ba? Gosh, Eunice! Kalma.

"MUKHANG 'di naman bagay!" Hinagis ko sa kama ang pang-anim na dress na nakuha ko sa closet ko. Magaganda naman pero parang hindi ko type.  Parang hindi magugustuhan ni Clyde kapag nakita niyang suot ko ang mga iyon.

"I'm so stressed! Ano bang susuotin ko mamaya? God!" Napahilamos na lang ako sa mukha ko deretso pasabunot sa mahaba kong buhok. "Alam ko na." Mabilis ko kinuha ang phone ko sa kama at nagdial ng number ni Precious.

REVENGE OF AN ANGEL [SOON TO BE PUBLISHED under WWG Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon