EPILOGUE
Marahang bumukas ang malaking pinto na yari sa kahoy ng simbahan ng St. James Apostol Church habang nag-aabang naman na nakatayo roon si Angelyca Eunice. Mukha siyang anghel na literal na bumaba sa langit dahil sa suot niyang traje-de-boda. Masasabing simple lamang nang kanilang kasal ni Clyde.
Sa unang hakbang na ginawa niya ay narinig niya kaagad ang intro ng paboritong kanta nila ni Clyde.
'Looks like we made it
Look how far we've come, my baby
We might a took the long way
We knew we'd get there someday...'Biglang nagbalik tanaw sa kaniyang isipan ang mga alaala nila ni Clyde.
Mula nang magkakilala sila sa restaurant.
Sa mall.
Hanggang sa maging magkaibigan sila.'They said, "I bet they'll never make it."
But just look at us holding on
We're still together, still going strong...'Sino nga naman ba ang mag-iisip na bagay sila?
Na kakayanin nila ang lahat nang pinagdaanan nila.
Ang daming problema na ang kanilang nalagpasan.Pati sina Kyla at Loisha.
Napayuko siya nang maalala ang babaeng nagtangka sa kaniyang buhay. Makaraang mahuli si Loisha ay nasugod ito sa ospital dahil sa tinamong mga tama ng baril. Sa dalawang buwan na nagdaan, nasa loob na ito ng isang institusyon para sa mga taong nawawala sa katinuan. Nalaman ng pamilya nito na may sakit sa pag-iisip ang dalaga kahit noon pa man dahil na rin sa mga problemang kinaharap nito at ng kaniyang pamilya.
'(you're still the one)
You're still the one I run to
The one that I belong to
You're still the one I want for life
(you're still the one)
You're still the one that I love
The only one I dream of
You're still the one I kiss good night...'Napatingin siya sa paligid.
Pinigilan niya ang maluha nang mamataan niya ang kaniyang mga magulang. Ang mga kaibigan nila na sina Trisha, Prey at Gracie na mga abay sa kaniyang kasal. Kasama na rin ang mga boys na sila Rovic at RD.
Nagawi ang mga mata niya sa bandang harapan. Nandoon ang kanilang best man na si Alexis. Nakangiti ito habang minamasdan siya. Napayuko siya dahil nahihiya siya rito. Batid niyang may nararamdaman ito para sa kaniya pero masaya naman ang binata dahil sa wakas... natagpuan na nito ang tunay na lalaking mamahalin siya.
'Ain't nothing better
We beat the odds together
I'm glad we didn't listen
Look at what we would be missing...'Nagpapatuloy lamang siya sa paglalakad nang mapunta ang mga paningin niya sa lalaking nakasuot ng kulay puting tuxedo sa harap ni Alexis. Doon, naghihintay ang lalaking kaniyang unang minahal.
'They said, "I bet they'll never make it."
But just look at us holding on
We're still together still going strong...'Nasaktan man siya nito noon,
Nakaramdam man siya nang labis-labis na galit dito,
Hindi pa rin maitatanggi na si Clyde pa rin ang mahal niya.
'(you're still the one)
You're still the one I run to
The one that I belong to
You're still the one I want for life
(you're still the one)
You're still the one that I love
The only one I dream of
You're still the one I kiss good night...'Kahit naisipan niya itong gantihan, hindi naman siya nagsisisi kung hindi niya naisakatuparan ang 'Revenge' na gusto niya.
Dahil unang-una pa lang,
Alam niyang talo na siya.
Bakit pa siya maghihiganti?
'You're still the one...'
Kung si Clyde mismo ang nagsasabi na handa nitong tanggapin lahat ng gagawin niya rito.
Napagtanto niya na ang paghihiganti ay para lamang sa mga talunan.
Sa mga taong hindi marunong tumanggap ng pagkatalo.
Sa mga taong hindi marunong makuntento.
'(you're still the one)
You're still the one I run to
The one that I belong to
You're still the one I want for life
(you're still the one)
You're still the one that I love
The only one I dream of
You're still the one I kiss good night...'Bakit ka pa maghihiganti kung sa tingin mo o alam mo na yung paghihigantihan mo ay ikaw mismo ang mahal?
Tama na. Itigil na.
Nang makalapit siya kay Clyde at inilahad nito ang kamay ay bokal sa loob niya itong tinanggap. Buong puso siyang magtitiwala sa lalaking ito. Habang buhay.
"Revenge no more," aniya sabay ngiti kay Clyde na nagtatakang nakatingin sa kaniya. Bumulong na lang siyang muli. "I love you, Mr. ROMUALDEZ."
"I love you so much, Angelyca Eunice Monteverde-Romualdez," wika niya sa kaniya at hinalikan naman nito ang kamay niyang hawak nito bago sila umupo sa harapan ng altar.**WAKAS**
BINABASA MO ANG
REVENGE OF AN ANGEL [SOON TO BE PUBLISHED under WWG Publishing]
RomanceNaranasan mo na bang ma-inlove? Paano kung masaktan ka sa pagmamahal na iyan? Gaganti ka ba? Kung sakaling gumanti ka, may mapapala ka ba? May maganda bang maidudulot ang pagganti sa taong nakasakit sa'yo kahit na sobra mo siyang mahal? REVENGE OF...