"Are you really sure we're taking the right direction!?" Inip na tanong ni Alexa kay JM na syang nagtuturo samin ng dereksyon papunta ng bayan ng Aerion.
"Just shut up Alexa! You keep whining and it's irritating!" Jacus coldly scoffed.
"At hindi lang naman ikaw ang napapagod, kung maka reklamo ka." Naka-ngusong dagdag rin ni AJ na mukhang naiinis na rin dito.
Alexa just ignored them while rolling her eyes.
'May sakit na talaga yung attitude nito, tss!" Naiiling kong sabi sa isip ko.
Halos kalahating araw na kaming naglalakad. Nakalagpas na kami sa gubat na patungo ng C.A at nadaanan narin namin ang ilang bayan. Pero kailangan naming dumaan pa sa tatlo pang bayan bago makarating sa Mythical Kingdom. Tatlong bayan na kinatatakutan at iniiwasan ng mga mage dahil hindi biro ang mga mamamayan sa mga bayan na Ito.
Ayon sa nasagap naming balita mula sa mga bayan na dinaanan namin. Sa bayan ng Aerion nakatira ang mga piratang mage. Gusto ko pang matawa dahil may nag-e-exist pala talagang pirata. Mahigpit daw ang bayan nila dahil hindi umano tumatanggap ang mga Ito ng mga mage na nagmula sa mga kaharian. Sila yung mga mage na hindi kapanig ng Darkanians maging ng mga mabubuting mage. May sarili silang batas at pinuno na sinusunod.
"Pano kung hindi pa tayo nakakarating sa Mythical Kingdom ay patay na tayo?" Bakas ang takot sa boses ni EJ ng tanungin nya yun.
Natigilan ang ilan dahil sa out of the blue na tanong nyang yun pero hindi imposibleng mangyari.
"Pwede ba wag kang nega!? Kung gusto mo bumalik kana agad sa Academy! Bakla ka talaga!" Kontra ni AJ dito pero batid kong gusto nya lang iwaksi yung topic.
"Bakla agad? Di pwedeng nagtatanong lang? Sabat ka ng sabat di ka naman kasali sa tinanungan ko!" Napipikon na ganti naman ni EJ.
'Ito nanaman sila sa pagiging aso't pusa.' Naiiling kong sabi sa isip ko.
"At hindi mo rin kailangan magtanong ng ganyang klase ng tanong! Isn't it obvious? Lahat tayo dito hindi sigurado sa kakahinatnan ng mission na Ito! Imbes na makatulong dumadagdag ka pa sa kaba namin!" Mukhang nainis nga si AJ sa tanong nito dahil masyadong syang seryoso ngayon.
YOU ARE READING
CeanLeigh Academy: The Long Lost Powerful Princess (ON GOING)
Fantasy"Whether it is your Past, Present, or future.. They will determine by your fate. Everyone think it's impossible to change your own fate, but the word "Impossible" itself is what limiting the possibilities, and don't let that word limits ev...