Chapter 11: Mistrust

3.7K 107 11
                                    

Kasalukuyan kaming nageensayo sa training room para sa darating na Ranking test. Mag iisang buwan na ako sa academy, marami nang nangyari.. Gaya nang, sobrang naging close sa dalawa ang apat na royalties, alam kong kaibigan na rin ang turing ko sakanila. Siguro nga tamang hinala lang ako, kasi tama ang sinabi nina jessa at jenny, mababait sila. Sa mga dumaang araw nasa amin parin ang atensyon nang ibang istudyante na gusto kong iwasan hangga't maaari..nag improve na rin kahit papaano ang pag control nila jessa at jenny sa mga Poer magus nila sa tulong nang mga royalties..ako naman pa-simpleng nagsasanay sa gabi nang mga kapangyarihan ko sa tulong ni god lighton nagagawa ko yun dahil dinadala nya ako sa dimensyon na 1 araw ang katumbas nang dalawang oras dito sa magicus. Kahit na alam kong control na control ko na ang kapangyarihan ko, sinasanay ko parin ang sarili kong mas maging matagal ang pag gamit nang mga kapangyarihan ko. Gusto ko rin maghanda kasi ayoko silang biguin. Thursday na ngayon at sa Saturday na gaganapin ang Ranking test. Hindi ko naman planong ipakita sa darating na Ranking Test ang buong kakayahan ko sampong porsyento lang para di gaanong malakas. Pero ang sampong porsyento na yun ay katumbas na nang lakas nang isang royalties, Plano ko rin kasing mapabilang sakanila alam kong binibigyan sila nang misyon at gusto ko sumali dahil gusto kong gawing ensayo ang misyon kung sakali.. Malaki ang maitutulong nun dahil may mga impormasyong sa royalties lamang sinasabi.. bagamat patuloy parin ang royalties sa paglapit sakin kahit halos itaboy ko sila madalas, masungit parin si Alexa pero kahit papaano nabawasan, si Danica cold parin pero nakiki-join na, si Dwight laging misteryoso kung makatingin sakin, si jacus madalas kong nahuhuling nagnanakaw nang tingin sakin.. Ewan ko ba pero parang pati ako apektado sa tuwing titingnan nya ako nang parang hinahalughog nya ang buo kong pagkatao.

"SNOW!"

Napabalik ako nang marinig ko ang tawag sakin ni JM. "What?" Kunot noong tanong ko.

Kaibigan na ang turing ko sakanila pero dinidistansya ko parin ang sarili ko sa mga ito.

"Kanina pa ako nagkwekwento pero di ka naman nakikinig." Naka ngusong singhal nito.

"I'm not in mood to listen." Bored na sabi ko lang na ikinanguso nya lalo, nakita ko naman tumaas ang kilay ni Alexa.

"Don't force someone to listen to you JM, you're just acting like a stupid attention seeker infront of everyone here." Singhal ni Alexa dito sabay irap.

Nang dumako naman sakin ang paningin nya ay nagkaroon nang tensyon sa pagitan namin dahil sa masamang titigan na pinupukol namin ni Alexa sa isat isa, hanggang ngayon naiinis parin ako sa ugali nya.

"You two! Stop being childish." Awat ni Dwight samin kaya napaiwas kami pareho.

"Let's take a break." Danica said then sit at the bleachers.

Pagod na sumunod naman kami sakanya."goodluck on your ranking test." Nakangiting sabi ni Daniel at tinapik ang mga balikat namin nila jenny at jessa.

Hindi na sila makakasali sa ranking test, perks of being a Royalties. Ang ranking daw ay may hanggang 50 level at ang pinaka mataas ay 49 si jacus once na ang score mo ay 46 and above makakasali ka sa royalties. There are 4 level of students, a bronze, silver, rose gold and gold. Kapag ang score mo ay 1-15 you'll be in a Bronze section at kapag 16-30 you'll be in Silver at kapag 31-45 you'll be in Rose Gold at kapag 46 and above naman you'll be in Gold.

CeanLeigh Academy: The Long Lost Powerful Princess (ON GOING)Where stories live. Discover now