A/N: Sorry sa pagkakamali na aking nagawa sa chapter 12 alam ko naguluhan kayo, don't worry po nagawan ko na nang paraan. :)
Enjoy Reading.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Matapos nang laban ni jenny ay ilan pang ka-klase namin ang timawag muna bago tawagin si jessa na halatang kinakabahan na.
"Ms. Jessa Dicripito" tawag sa pangalan ni jessa..
"Kaya mo yan Jes, wag kang kabahan dyan! Tandaan mong ang Royalties ang nag-training satin kaya dapat ipakita mong maganda ang resulta nung paghihirap nila." Oa na sabi ni jenny.
Ngumiti naman ito samin at sabay sabi na.. "Kaya ko 'toh" Sabi nito na hindi ko mawari kung kami ba o ang kanyang sarili ang kinukumbinsi nya. kinakabahan man ngunit pinipilit nitong ipakitang hindi sya apektado, pero hindi sya nagtagumpay.
"Good luck." Ani jenny na ikinatango lang nito at lumakad na papuntang sa gitna kung nasaan ang dimension barrier.
Pagkapasok na pagkapasok nito sa dimension ay agad na bumungad dito ang isang three headed lion. Napasinghap naman ang lahat nang makita ito. Isa kasi itong class A Monstrum omen. iilang istudyante palang kasi ang nagkaroon nang kalaban na class A Monstrum omen mula sa dimension barrier. At karamihan sa mga yun ay Rose Gold Students pa. Kaya marahil ay maraming nagtataka kung bakit isang class A ang lumabas na makakalaban ni jessa.
Sa dimension barrier ay hindi lang basta hinuhulaan o aksidenteng klase nang halimaw ang makakalaban mo, once na pumasok ka rito.. Automatic na, na sukat na nito kung hanggang saan ang kaya nang lakas mo at kusang lilitaw ang klase nang halimaw na makakalaban mo. Kung malakas man ang halimaw na lumabas dito, wag kang mag alinlangan na labanan ito dahil ibigsabihin lang nun ay may ibubuga ka rito at pwede mo itong matalo kung gugustuhin mo.
Napabalik ako nang magsigawan ang mga taong nanonood. At doon ko nakita si jessa na may malaking kalmot sa kanyang kanang braso. Handa nanamang umatake ang three headed lion ngunit agad nag summon si jessa nang isang malaking agila saka sya sumakay sa likod nito at lumipad nang mataas ang agila para hindi ito maabot nang lion. Halata sa lion na naiinis na ito, dahil sa mas naging agresibo ang kilos nito. Nag-summon naman ulit si jessa nang dalawang malaking serpent na agad sinugod ang lion. Makikitang pantay lamang ang laban, ngunit biglang nakagat nang isang ulo nang lion ang isang serpent at bigla nalang itong tumalsik nang ihagis ito nang lion sa pamamagitan nang pagkagat dito nang isang ulo nito dito. Nahihirapan na ang isang serpent na kalabanin ang three headed lion. Kaya bigla namang kinuha ni jessa ang bow and arrow sa likod nya at inasinta ang gitnang ulo nang three headed lion. Tumalsik na ang isa pang serpent pero kasabay nang pagbagsak neto ay ang pag tama nang arrow sa noo nang nasa gitnang ulo nang three headed lion. Ilang sandali pa ay tuluyan na itong bumagsak at nawala..
Maraming pumalakpak at namangha kay jessa na nakatalo nang isang Class A Monstrum Omen. Lumabas sa screen ang score nya at ito ay 39 kaya sa Rose Gold sya mapupunta pareho sila ni Jenny.
YOU ARE READING
CeanLeigh Academy: The Long Lost Powerful Princess (ON GOING)
Fantasy"Whether it is your Past, Present, or future.. They will determine by your fate. Everyone think it's impossible to change your own fate, but the word "Impossible" itself is what limiting the possibilities, and don't let that word limits ev...