Chapter 7: The Royalties

4K 125 6
                                    

Kakatapos ko lang mag asikaso, ng biglang lumitaw si god lighton sa harap ko.

"Handa ka na ba mahal na prinsesa?" Bungad nito na ikinatango ko.

Agad naman syang gumawa nang portal.

"Umalis na tayo mahal na prinsesa." Sabi nya saka kinuha ang maleta ko.

Nauna naman akong pumasok sa portal, at pagkapasok ko.. napanganga ako nang makita Kong sobrang ganda nang lugar sobrang magical sya. Nasa mataas kami na bahagi nang Magicus, kaya kitang kita kung gaano kalaki at kung gaano kaganda ang lugar. Matatanaw mula dito ang isang mala palasyong gusali na puti at gold ang kulay, nasa west part sya nang lugar. Sa east part naman ay isang mala palasyong gusali rin pero mas mababa kung ikukumpara sa isa. Dirty white naman ang kulay nang gusaling iyon. Maganda sobra! pero kung ikukumpara ang lugar na ito sa Arkhus.. masasabi kong mas maganda parin ang Arkhus.

"Ang gusali na kulay puti at gold ay ang Palasyo nang Magicus. Dyan nakatira ang royal family.. At ang Dirty White naman na gusali ay ang paaralan nang CEANLEIGH ACADEMY." kwento ni god lighton.

Hindi ko alam na nasa likod ko na sya.. Masyado siguro akong nadala sa ganda nang lugar.

"Hindi pa ito ang buong Veltus." Dagdag nya pa.

Veltus ang tawag sa kabuuhan nang lugar, kumbaga sa normal world ito ang tinatawag na Earth. at ang bawat kahariaan naman ay Continent kung tawagin. Alam ko iyon dahil sinabi saakin ni velga ang lahat nang dapat kong malaman tungkol sa lugar na ito.

Nagtaka ako nang hinawakan ako ni god lighton sa balikat. ngunit nang bigla kaming magteleport sa isang parte nang gubat ay naintindihan ko na.

"Nasan tayo?" Kunot noong tanong ko.

"Nasa gubat na nakakonekta sa academy, Hanggang dito nalang kita masasamahan. Wag kang mag alala deretsohin mo lang ang daan na ito ay makakarating ka na sa gate nang paaralan." Paliwanag naman nya na ikinatango ko.

"Tandaan mo mahal na prinsesa. Walang sino man ang dapat maka alam nang lihim mo hangga't hindi pa dumadating ang nakatakdang oras." Pag papaalala nya.

"Masusunod." Maiksing sagot ko nalang.

"Hanggang sa muli mahal na prinsesa." Huling sabi nya bago sya tuluyang naglaho sa harapan ko.

Wala na akong nagawa, kaya sinimulan ko nang maglakad pupunta sa daang tinuro nya.

Napasimangot nalang ako nang higit isang oras na akong naglalakad, ngunit hindi ko parin nararating ang gate nang academy!

CeanLeigh Academy: The Long Lost Powerful Princess (ON GOING)Where stories live. Discover now