Chapter 5: she's now Awake

4K 128 6
                                    

Pag dilat ko nang mga Mata ko, para akong hinabol ng sampung kabayo dahil hingal na hingal ako napakunot ang noo ko nang mapansin ang kulay puting kwarto. May mga kung ano anong makina rin na nakakonekta sa mga kung ano anong nakakabit sa katawan ko, nakita ko ring naka dextrose ako.. Well hindi na ko magtatanong kung nasan ako dahil obviously nasa hospital ako. -_-

Biglang bumukas ang pinto at bumungad ang naiiyak na si mommy nang makitang gising na ako "Anak! Sa wakas gising kana." Naluluhang sabi pa nya at niyakap ako."teka tatawag lang ako nang doctor." May kagalakang sabi nya pa.

Gustuhin ko nang magsalita ngunit walang lumalabas na boses kaya tumango nalang ako.

At maya maya pa.. Dumating si mommy kasama sina daddy, kuya at ate na parehong mga nakangiti at ang doctor na may kasamang nurse at agad akong chineck.

Kung ano ano ang kinalikot nila sa makina at tinanggal na rin nila ang oxygen na nakalagay sakin. May tinatanong ang doctor sa nurse at tini-take note naman ng doctor ang lahat nang sagot ng nurse.

"I'm going to ask you, all you have to do is answer me honestly ok?" He suddenly said.

I just nodded.

"Ok, first.. try to say something." Utos nya.

"O-o-ok" hirap na hirap na sabi ko felling ko hiningal ako sa isang maiksing salita na yun.

"Hmm..That's normal." Tumatangong sabi nya. "Here, drink this. It will help you to regain your strength." Dugtong nya pa sabay abot sakin ng gamot at isang basong tubig na nasa lamesa.

Tinulungan nya akong uminom at may pinainom din syang isa pang gamot.

"Are you having a hard time of breathing?" He asked again.

"N-no" maiksing sagot ko lang.

"Are you feeling dizzy or feeling sick?" He asked.

"S-slight d-diz-zy" hirap na hirap na sagot ko pa. Mahina lang rin ang boses na nalalabas ko kapag nagsasalita.

"Ok. For now, take a rest. We'll continue monitoring you." Sabi nito at binigyan ako ng magaan na ngiti.

Tumango lang ako at pinikit na ang aking mata. Nanghihina pa ko.

T_T

"Doc. Kamusta po ang anak namin?" Dinig kong tanong ni daddy.

"Stable na ang lagay nang pasyente Mr. Mendez. Pero kailangan pa naming gumawa ng mga test para makasigurado na rin na wala na syang mga internal bleeding.. Sa ngayon kailangan nya munang magpahinga at pagka nasigurado na naming ok na talaga sya, pwede na syang lumabas pero kailangan nyang mag undergo sa therapy dahil mahigit isang taon syang comatose." Mahabang paliwanag ng doctor.

CeanLeigh Academy: The Long Lost Powerful Princess (ON GOING)Where stories live. Discover now