Chapter 15

7K 176 3
                                    


"Tita.." tawag ko sa pangalan nito nang ako'y maka uwi dito sa bahay. Binisita ko ito upang kamustahin, dahil hindi na ako dito nakatira at sa condo ko na. Napag pasiyahan ko kasing bumukod at maging independent na muna sa ngayon.

She smiled nung binalingan nya ako galing sa pag katulala. Naabutan ko ito sa veranda ng kanyang kwarto na nakatanaw sa malawak na syudad sa harap nito. May dala akong meryenda para sa aming dalawa kaya inilapag ko iyon sa table.

Simula nung ma ospital ito ay namalagi nalang ito sa bahay. Hindi na ito nag lalabas at nag mumukmok na lamang. I sighed. Alam ko na mahirap para sa kanya na mawala ang kompanya sa pangangalaga nito at mapunta sa wala ang pinag hirapan niya, nila ni Daddy. Kahit sa akin na taga pagmana ay mahirap at masakit dahil kompanya iyon ni Daddy ngunit wala akong magawa tungkol doon at tinanggap ko nalang iyon. Sa lagay ni Tita ay mukhang nahihirapan ito dahil iyon nalang ang alala ala ni Daddy sa kanya.

"I-I'm sorry!" agad na pag hingi nito ng paumanhin sa akin. I smiled to ease the sad air between us.

"No, Tita that's not your fault..." nakangiting sabi ko rito.

"Hindi s-sa akin yon! S-sayo yun! Hina-handle ko lang para sayo pag uwi mo, but hindi! I don't know! I'm s-sorry Issa!" humahagulgol na sabi nito sa akin. Malungkot akong ngumiti at nag lakad palapit rito para aluin sa pag iyak.

"N-No, it's okay.." sambit ko ngunit hindi maalis sa akin ang ang hihinayang at kalungkutan dahil sa nang yari, sadyang wala lang akong magawa kung hindi tanggapin iyon kahit masakit.

"He's taking his revenge to me! I know! Tama ang hula ko! Hindi ako pwedeng mag kamali hija!" she said angrily.

Nangunot ang noo ko. Huh? Revenge? Who? Kanino? Bakit?

"What?" naguguluhan na tanong ko rito ng kumalas ng yakap rito.

"Wag kang l-lalapit sa kanya Alexa.. Gagamitin ka lang nya at papaikutin para maka ganti sa akin! Please don't go near him! He will u-used you against m-me!" nag mamakaawa at umiiyak na sabi nito sa akin

"S-sino?" nangangatal na tanong ko rito kahit na may hula na ako kung sino iyon ngunit gusto kong kumpirmahin ito mula sa kanya.

"Alexander De Silva! Wag kang lumapit sa kanya! Wag mong hahayaan na paikutin ka nya dahil.... Dahil..." nangunot ang noo ko dahil sa pag sasalita nito. Umiling ito at hindi na itinuloy ang sinasabi.

"Dahil ano Tita?" naguguluhang tanong ko pa rin rito dahil wala akong maintindihan sa sinasabi nito. Pabitin at walang kasiguraduhan puro banta na huwag akong lalapit kay Xander pero ayaw nitong sabihin ang dahilan.

"Wag m-mong hahayaan na makapasok siya sa buhay mo Issa... P-please!" humagulgol na ito sa huling sinabi kaya muling niyakap ko na ito at itinahan baka kung mapano nanaman ito.

Baka ma ospital naman ito sa ibang dahilan kaya't hindi ko na muna ito pinilit na sagutin ang tanong ko dahil baka makasama ito sa kanya.

" Issa! Mangako ka!" sabi nito at umalis sa pag kakayakap sa akin. Nanlaki ang mata ko ng bigla nitong sapuhin ang dibdib na tila hindi makahinga. Agad akong tumayo at nag lakad ng mabilis sa may pinto.

"Manang! Help si Tita!" natatarantang sigaw ko sa labas ng pinto ng kwarto ni Tita skaa mabilis na bumalik rito.

"T-tita are okay?" natatarantang tanong ko rito. Tumango ito ngunit patuloy ito sa pag hahabol ng hininga dahil sa pag iiyak. Hinawakan ko ang kamay nito at pinisip nito ang kamay ko.

"P-promise m-me.." muling ulit nito kaya wala akong nagawa kung hindi tumango rito at sumagot. She smiled.

"Thank you..."

One Night One Lie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon