Chapter 16

6.8K 154 11
                                    

A phone rang for a call, na siyang ipinag papasalamat ko dahil sa katahimikan na bumalot sa aming dalawa matapos nito iyong sabihin.

"E-excuse me.." nanginginig na paalam ko rito dahil sa kabang nararamdaman. Tumango ito habang nakatitig pa rin sa akin.

Si Lola.

Nangunot ang noo ko ng makitang si lola ang caller na tumawag sa akin. Naalala ko bigla yung reaksyon niya noong hindi natuloy ang kasal namin ni Gilbert sa probinsya namin kung saan ito ang nag request. Doon dapat gaganapin ang kasal namin, sa matandang simbahan doon sa probinsya ngunit hindi ito natuloy dahil sa nang yari na dahilan upang sumama ang loob nito. Hindi lang kay Gilbert ngunit pati narin sa akin dahil hindi ko daw binantayan at inalagaan ng maayos si Gilbert kaya ito humanap ng iba. No, that's not right. Hindi ito kontento kaya nag hanap ng iba.

"La.." mahinang tawag ko rito.

"Apo.." balik na tawag nito sa akin dahilan upang mangunot ang noo ko dahil sa boses nitong mahina at tila nang hihina.

"Are you okay Lola!?" aligagang tanong ko rito. I know, na hindi ko ito madalas kumustahin at tawagan para sa update sa akin. Nabigla rin ako ng bigla itong tumawag gayong alam kong may tampo ito sa akin dahil sa nangyari.

"I'm fine hija ikaw ba?" ramdam ko ang pilit nitong pag papasaya ng boses nito.

"Are you sure Lola?" paninigurado ko at pinanliitan ko ito ng mata kahit na alam kong hindi ako nito kita ngunit ipinaparamdam ko naman iyon.

"Y-yes hija! Of course, ikaw lang ang kinakamusta ko, okay kana ba?" muling tanong nito.

I sighed, then, smiled. "Yeah.." i trailed then, sighed again. "Of course Lola.. Ang tagal na nun eh almost three months na nung nang yari yon.. Hahayaan ko ba ang sarili ko na mag mukmok at damdamin pa yon.. La?" putol putol at mahinahon kong sabi rito. Nag iingat sa mga salitang aking binibitawan rito. Gusto kong maging kampante ito at ayaw kong lumuwas ito patungong manila upang bisitahin at kamustahin ako ng personal gayong may nangyayari din hindi maganda kay Tita. Paniguradong mag aalala iyon na ayaw kong mang yari dahil baka samaan din ito ng lasa.

"Okay hija.. Just want to check on you..." Ramdam ko ang pagiging kampante nito matapos kong sabihin yon...

"Yeah, Lola take care too, love yah.." maarte kong paalam rito. Nakangiti kong ibinaba ang cellphone ko matapos ang pag uusap namin ni Lola.

Nag tama ang tingin namin ng ibaling ko ang tingin ko sa harap. Tila kanina pa ako nitong tinititigan habang nakikipag usap kay Lola.


"You're Lola?" nakataas kilay na tanong nito.

Nangunot ang noo dahil sa tanong nito, bago ko sagutin ito ay uminom muna ako ng wine sa aking baso. "Yeah, why?"

Umiling ito. Nag kibit balikat nalang ako at ipinasawalang bahala ito.

"How's your Tita?" usisang tanong nito.

"How did you know?" kunot noong balik tanong ko. Bakit tila maraming alam ito tungkol sa akin ganong ako ay walang alam sa kanya. Sabagay, hindi dapat ako makialam sa buhay nya.

"I j-just know.. Remember, ako ang bagong CEO ng kompanya nyo na siyang dating nakaupo?" malamig na sagot nito na tila pinapaintindi ang maliit na bagay na dapat ay alam ko.

"She's okay.." iyon nalang ang nasagot ko.

"So.. You're lola asking about your wedding?"

"She isn't... Kinakamusta nya ako... And besides.. Walang kasalan na magaganap.. Ilang ulit ko pa bang sasabihin sayo?" naiiritang sabi ko rito dahil s apag uulit ulit nitong sabihin iyon sa akin.

One Night One Lie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon