Chapter 19

6K 177 12
                                    


"Tita!" malakas na tawag ko nang makapasok ako sa loob ng mansyon. Umalingawngaw ang aking boses sa kabahayaan dahil sa lakas ng aking boses.

Aligagang naglabasan ang mga kasambahay dahil sa aking naging sigaw. Matapos ang pang yayari ay agad akong dumeretso dito. Gusto kong malinawan sa lahat.

"Manang! Nasaan si Tita! Kailangan ko siyang makausap!" agad na bungad ko kay Manang ng ito ay humarang sa aking harapan.

"A-anong nangyari? Bakit ka biglang napabisita anak?" naguguluhang tanong nito sa akin. Umiling ako kay Manang ng hindi nito sinagot ang aking tanong.

"Si Tita?" muling ulit kong tanong dito. Hindi ko na kailangan na mag paligoy ligoy pa gusto kong malaman ang totoo mula sa kanya. I can't fucking believe in Xander. Alam ko, sinisiraan nya si Tita hindi iyon magagawa  ni tita. Mahal nya si Daddy, she'll never do that i know.

"N-nasa kwarto nya nag papahinga.."

Mabilis ko itong nilagpasan ng marinig kung nasaan si Tita. Wala akong lingon na ginawa ng akoy tawagin nito. Kumabog ang dibdib ko sa hindi maramdamang dahilan habang ako ay nag lalakad paakyat sa ikalawang palapag. Tumigil ako sa pag lalakad ng malapit na ako. Bahagyang iniawang ko ang aking labi upang makahinga ng ayos at tinapik tapik ko pa ang aking dibdib para guminhawa ang aking pakiramdam ngunit hindi nito nabawasan ang kabang aking nararamdaman.

Nag umpisa muli akong mag lakad. Nang tumapat na ako sa pinto ng kwarto nila Daddy at Tita ay muli akong tumigil. I sighed heavily. Iniangat ko ang aking kamay, naramdaman ko ang panginginig ng aking kamay ng itaas ko ito. Humawak ako sa doorknob at unti unti ko itong pinihit.

"T-tita?" agad na tawag ko ng umawang ang pinto. Nanginginig ang aking boses ng tawagin ko ito.

Walang sumagot.

Pumasok ako at iginala ko ang tingin sa buong kabuoan ng kwarto. Madilim. Nakasarado ang kurtina buhay ang lamp ngunit naka dim lang iyon. Ito ang nag bibigay ng kaunting liwanag sa buong kwarto. Nag lakad ako sa gilid ng side table upang kunin ang remote para buhayin ang buong ilaw sa loob ng kwarto.

Agad kong inabot iyon ng aking makita na nakapatong lang sa gilid. May nasagi ako sa gilid ng aking kamay ngunit ipinasawalang bahala ko na iyon dahil alam kong papel lng iyon. Mas mahalaga ang ipinunta ko rito kesa roon.

Nang lumiwanag ang buong kwarto ng pindutin ko ang button ay hindi ko nakita kung nasaan si Tita. Probably she's inside in the bathroom. Ibinato ko ang remote sa malapad na kama ni tita at mabilis na nag lakad palapit sa banyo ng kwarto. Natigilan ako ng makitang awang iyon.

She's not here?

Huminga ako ng malalim bago nag pasyang itulak iyon para kumpirmahin na wala si tita roon. Nakarinig ako ng agos ng tubig. Nag tungo ako kung saan ang bathtub nito sarado ang kurtina noon ngunit naririnig ko ang pag agos ng tubig. Mas lalo akong kinabahan.

"T-tita?" kinakabahan na tawag ko rito ngunit wala parin akong nakuhang sagot mula rito. Agad kong hinawi ang kurtina sa aking harapan.


My whole body stiff. I can't move my body when i saw her. Lying in the bathtub with full of blood. Umaagos iyon kasama ng tubig.


"T-Titaa!" i scream from the top of my lungs. Bumuhos ang luha ko. Agad akong lumuhod at sinapo ang mukha nito. Tinapik tapik ko ang pisngi nito habang tinatawag ang pangalan nito, nag babakasakaling magising at imulat ang mga mata nito.

"N-no tita! Wake up! P-please! Don't do this to me! T-tita — Manang! Manang!" umiiyak at hindi mag kaintindihan kung alin ang uunahin. Malakas ang boses na sumigaw ako upang tawagin si Manang. Hindi ko kayang iwan si Tita rito. Shit. Shit.

One Night One Lie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon