Tulala ako habang nakahiga. Nakatitig lang ako sa kisame ng aking kwarto. Malalim akong bumuntong hininga. Isang buwan ng nanantili ako rito sa Manila. Iniintay kong bumalik si Benjamin galing America dahil umuwi ito roon.
"Intayin mo ako, sabay na tayong uuwi sa probinsya." seryoso nitong sabi sa akin habang nag aayos ng mga gamit nitong dadalahin.
Tinulungan ko ito sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung anong biglaan ang nangyari dahil bigla itong aalis. Isang linggo matapos ang pakikipag usap namin kay Xander ay nakatanggap ito ng tawag. Kaya nag mamadali itong nag impake para umalis.
I insisted that I'll go with him but he refused me. Ika nito, ay buntis ako at masama ang masyadong mapagod sa akin. Ang galing! Ang galing, galing ng excuse nito kaya't hindi ko na ipinilit pa. Alam kong ayaw rin nitong sumama ako base sa itsura nito.
Naisip ko ang reaksyon ni Xander noong nag uusap kami. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din maisip kung bakit ganun siya.
Why is so mad?
Ako dapat ang galit ah? Bakit parang may nagawa pa akong mali sa kanya? As far as I remember wala akong maalala kung hindi ang iwan ito. Rage filled me again when memories cameback to me of how he planned all of happened.
I should be! Dahil kung hindi sa kanya hindi mang yayari sa akin ang lahat ng ito! Hindi nawawala ang lahat ng mahahalaga sa akin! Damn him!
Bumangon ako sa pag kakahiga at nag pasiyang puntahan itong muli para kausapin.
"Lola, may pupuntahan lang ako saglit." paalam ko ng makababa ako sa sala. Naabutan ko itong nanonood ng tv kaya humalik nalang ako sa pisngi nito. Hindi na ito nag salita dahil abala sa panonood kaya umalis na ako.
Nag antay ako ng pag bubukas ng elevator. Napangiti ako ng makita ang repleksyon ko sa pinto nito.
Suot ang isang dress ay halata na ang maliit kong baby bump. I smiled. Hinawakan ko iyon at hinimas. Bumukas ang elevator kaya pumasok na ako.
"Miss, Nandito ba si Mr. De Silva?" agad na bungad ko sa sekretarya nito. Pinasadahan ako nito ng tingin. Tinaasan ko ito ng kilay alam kong kilala ako nito. Sumenyas ito. Pinindot nito ang intercom bago nag salita.
"Sir, hinahanp po kayo ni Ms. Gellar.." sambit nito. Nagulat ako ng hindi nag salita ang kabilang liny at pinatay iyon. Lumayo ako sa desk nito at agad na nag lakad palapit sa pinto ng opisina ni Xander. Hindi ako napigilan ng sekretarya at hinayaan nal lamang ako.
Habol ang hininga ng tumapat ako sa pinto. Marahas na binuksan ko iyon at malalaking hakbang na pumasok. Agad akong natigilan sa aking naabutan.
Si Xander kalong si Camille habang nakayakap ang mga kamay nito sa leeg ni Xander. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat na nakatingin sa mga ito. Agad na nangilid ang luha ko sa aking mga mata.
I don't know but i felt betrayed again. I felt unwanted again. I felt I'm not worth it. Damn.
Mabilis naman na itinulak ni Xander si Camille at takot na sinalubong ang aking mga mata. Tumayo ito at awang ang labi na nakatingin sa akin. Pinasadahan pa ako nito ng tingin bago muling ibinalik sa aking mga mata. Umiling ako at yumuko. Agad akong umatras. Mukhang may naabala ako.
"I-I didn't know.." paalam ko at mabilis na tumalikod kasabay ng pag patak ng luha ko.
Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang pag kawala ng hikbi sa aking labi. Ang kaninang mabagal na pag lalakad ay unti unting bumilis ng marinig ko ang boses ni Xander sa aking likuran.
BINABASA MO ANG
One Night One Lie
RomanceDe Silva series 2 WARNING : Matured Scene! Her fiance cheated on her with her best friend. They should be married today after tomorrow when it happened. She caught her fiance and best friend in a room naked and moaning each other's name. She felt b...