Chapter 26

1.6K 75 10
                                        

Adelaide's POV

Nagtago ako sa likod ng poste nang makita si Jayson sa labas ng mansyon. Nakatayo siya habang nakatingin sa hardin. Sinundan ko ang tingin nito at napakunot ako ng noo nang makita na kay Bernard siya nakatingin.

Ano na naman ba ang problema niya? Magsisimula na naman ba siya?

Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin pero alam kong nakatingin na naman siya ng masama kay Bernard. Buti na lang ay abala si Bernard sa ginagawa niya. Tiyak na makikipagtitigan siya kay Jayson.

Aalis na sana ako dahil mukhang hindi naman yata naghahanap ng away si Jayson. Madalas niyang binibigyan ng masamang tingin si Bernard pero hindi umabot sa punto na nag-away sila.

Napatigil ako sa pag-alis nang biglang ibaling sa akin ni Jayson ang tingin niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang malambot nitong tingin.

W-wait..

Paano nangyari 'yon?

Hindi siya nakatingin ng masama kay Bernard?

Ang bilis naman yata magbago ng emosyon niya kung nakatingin nga siya ng masama kay Bernard. Kaya possible na ang nahuli kong emosyon ng mga mata niya ay yon ang binigay niya kay Bernard. Wala naman kasing kasama si Bernard. O baka wala lang siya sa sarili at hindi niya namamalayan na nailabas niya ang tingin na 'yon?

"What are you doing?" tanong niya at nawala na ang kakaibang emosyon nito sa mga mata. Napalitan na ng panlalamig.

Umalis ako sa poste at hinarap siya. "Nothing."

"You sure?"

"Yeah."

Lalong kumunot ang noo niya at nailang ako ng pagmasdan niya ako kaya umubo ako ng dalawang ulit.

"How about you? What are you doing here?" tanong ko sa kanya at binigyan ng tingin si Bernard na abala parin sa ginagawa.

Dahil sa ginawa ko ay sinundan ako ng tingin ni Jayson at hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako na nakita kong namula ang tainga niya. Ooh..Okay?

"Jayso-"

Nabigla ako ng talikuran niya ako at mabilis na umalis palayo.

Hmm..

Mukhang alam ko na.

Simula nung mahuli ko si Jayson sa pinakita niyang emosyon at sa kakaibang inasal niya ay palagi ko siyang pinapanood sa tuwing nakakasalubong niya si Bernard o 'di kaya'y tuwing nakatingin ito sa malayo at hindi nga ako nagkamali. May kakaiba sa kanya. Kasalungat ng pinapakita nito kay Bernard ang ugali niya tuwing nakatalikod sa kanya si Bernard. At mukhang hindi lang ako ang nakapansin nito. Alam kong alam din ng mga tao dito ang side na 'to ni Jayson. Hindi ko alam kung alam din ba ni Bernard pero mukhang hindi dahil kung alam niya ay hindi siya makikipagpalitan ng sama ng tingin sa kanya.

"Anong ginagawa mo?"

Nanindig ang balahibo ko nang biglang bumulong sa akin si Bernard na nasa tabi ko na. Tinakpan ko ang tainga ko at umatras palayo sa kanya. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Hanggang ngayon ay ramdam ko ang hininga niya sa tainga ko.

"A-anong ginagawa mo rito? D-diba nandon ka-" tinuro ko ang pwesto niya kanina bago siya nakarating dito.

Hindi ko na namamalayan na nakalapit siya sa akin habang pinagmamasdan ko si Jayson na nakatingin kay Bernard sa malayo. Bakit ang bilis ng lalakeng 'to?

Tumayo siya ng maayos at bigla akong nailang nang titigan niya ako. Naramdaman kong nag-init ang magkabilang pisngi ko.

"W-what?! B-bakit nakatingin ka sa akin ng ganyan?" tanong ko habang nakaiwas ng tingin.

Steel Heart PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon