Chapter 31

1.3K 73 7
                                    

"Ang totoong pangalan ko ay Adelaide. Sa Diamond's Mansion ako nakatira."

"Diamond's Mansion? Sa Palasyo?" gulat na tanong ni Donya.

Marahan akong tumango habang nakaiwas ng tingin sa kanila. Hindi ko sila kayang tingnan ng deretso.

"May nakatira sa Diamond's Mansion? Ang akala ko ay matagal ng walang nakatira doon dahil 'yon lang ang natirang lumang mansion sa palasyo kaya hindi na ito pwedeng tirahan. Paanong doon ka nakatira?" takang tanong sa akin ni Don.

Nabigla ako nang sabihin niyang matagal ng walang nakatira sa Diamond's Mansion. Hindi ko alam ang tungkol dito. Ngayon ko lang narinig. Halatang sinadya ito ng Hari na doon ako patirahin dahil walang makakaalam sa akin sa mansyong iyon. Anyway, wala lang 'to sa akin. Maayos pa naman ang mansyon kahit luma na at saka wala na ako doon.

"Alam kong magugulat kayo sa sasabihin ko. Hindi ko alam kung paniniwalan niyo ako pero isa akong prinsesa sa mansyong iyon." nakayukong sabi ko.

Yes, isa akong prinsesa sa loob ng Diamond's Mansion. Walang kinikilalang Prinsesa ang mga tao sa labas ng mansyon. Isa akong tagong prinsesa na hindi pa sigurado kung isa nga ba talaga akong prinsesa. Kailangan ko pang kausapin ang Hari tungkol sa pagkatao ko at mukhang malapit ng mangyari ito. Bumalik na ang Prinsipe kaya malapit na rin bumalik ang Hari sa palasyo. Malilinawan na rin ako sa wakas.

"Anong ibig mong sabihin na isa kang Prinsesa? May ibang anak ang Hari? Bakit hindi namin alam 'to?"

"Ang totoo ay hindi rin ako sigurado kung anak ba ako ng Hari. Masyadong magulo ang sitwasyon ko ngayon. Ito rin ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Kaya maraming salamat sa inyo. Maraming salamat dahil kahit hindi niyo ako kilala, pinatira niyo ako rito." sincere kong pasasalamat sa kanila.

Nagkatinginan silang dalawa. Nagulat ako nang lumapit sa akin si Donya at hinawakan ang mga kamay ko.

"Mabuti talaga at sa amin ka napunta. Hindi ko alam ang mangyayari sayo kung sakaling hindi ka namin nakita sa araw na 'yon. 'Wag ka mag-alala, hindi kami magtatanong. Wala kaming pagsasabihan ng mga sinabi mo sa amin. Pero hija, gusto ko lang malaman kung bakit sinabi mo ito sa amin. 'Wag mong sabihin na dahil sa sinabi ko sayo noon?"

"Hindi po. Hindi po 'yon ang dahilan. Sinabi ko sa inyo ito dahil pupunta dito ang Prinsipe."

"Prinsipe? The crown prince?" gulat na tanong ng Don. Tumango ako sa kanya.

"Bakit? Kukunin ka ba niya? Pababalikin ka niya sa mansyon?"

"Oo." mahinang sagot ko at yumuko.

Naramdaman kong hinigpitan ng Donya ang pagkakahawak sa akin.

"Gusto mo bang bumalik?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Hindi pa ako handang bumalik sa mansyon. Hindi ako sigurado kung anong parusa ang binigay ng Prinsipe kay Mrs. Mary. Hindi ko alam kung aabutan ko ba siya sa mansyon. Kung nandon siya ay mas mabuting hindi muna ako babalik. At saka wala pa ang hari. Siya ang hinihintay ko. Halata namang hindi sa akin sasabihin ng Prinsipe ang totoo. At hindi naman niya yata ako mapipigilan kung ayaw kong sumama. Pero ang problema ay saan ako titira ngayon. Nakakahiya na kina Don at Donya kung mananatili parin ako dito. Ayaw kong abusuhin ang kabaitan nila.

"Kung ayaw mo pang bumalik, Hija. Dito ka muna. 'Wag kang mag-alala tutulungan ka namin sa prinsipe. Kami na ang bahala sayo kapag pinilit ka niyang pabalikin." seryosong sabi ni Donya.

Napangiti ako sa kanya. Gumaan ang loob ko sa sinabi niya. Sabing ayaw kong abusuhin ang kabaitan nila pero hindi ko mapigilan. Sila lang ang mapagkakatiwalaan ko ngayon. Sila lang ang malalapitan ko. Kailangan ko ang tulong nila para matakasan ng pansamantala ang sitwasyon ko.

Steel Heart PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon