P R O L O G U E

10.2K 259 93
                                    

'In the first life she was a terrible queen, who brought trouble to her country, and eventually, her own king burned her at the stake. In the second life, she became a talented surgeon, redeeming herself for her past, saving people.

Humigop si Jacqueline ng iniinom niyang kape habang nagbabasa siya ng light novel. Muli siyang napangiwi ng matikman ang kape ngunit hindi nalang niya pinansin dahil naka pokus siya sa pagbabasa.

Because of a plane crash, the talented surgeon Song Zhi Hyun returns to her former life! This time, she decides to change everything, becoming a doctor.'
[story from Doctor Elise Lady With a Lamp]

"Hmm interesting.. She reincarnated again." sabi niya habang may malawak na ngiti sa kanyang mukha.

Nagpatuloy ang kanyang pagbabasa hanggang sa naubos niya ang kanyang iniinom na kape.

"Oh shit!"

Tumigil muna siya sa pagbabasa para tumimpla ng bagong kape nang bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo.

Napahilot siya sa ulo ng sandali bago nagpatuloy sa pagtimpla. Madalas siyang mahilo dahil sa pagbabasa kaya hindi na lang ito pinansin.

Pagkatapos niyang tumimpla ng kape ay tinikman niya ito at napansin na may mali sa lasa ng tinimpla niya.

"There's something wrong.." taka niyang sabi at tiningnan ang mga sangkap na hinalo niya sa kape.

Napakunot siya ng noo nang makita ang lalagyan ng asukal. Inikot niya ito at dito nakita ang nakadikit na isang stickey note.

"Clorox.."

Tuluyang nandilim ang paningin niya dahilan kung bakit nawalan siya ng balanse at nauntog ang ulo niya sa isang matigas na bagay.

--

"Young lady.."

Napamulat ako ng mga mata nang marinig ang boses na tumawag sa akin. Napapikit-pikit pa ako dahil sa liwanag na tumama sa mga mata ko.

Nasaan ako?

Patay na ba ako?

Hindi ko inasahan na clorox ang magiging dahilan ng pagkamatay ko.

Kung hindi dahil sa clorox na 'yon ay hindi ako mauuntog! Lintek na buhay nga naman!

"Young lady, narinig kong mahilig kang magbasa ng mga nobela.."

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses ngunit wala akong makita maliban lang sa puting ilaw na nakapaligid sa akin.

Patay na nga ako...

"Young lady?" tawag muli sa akin ng boses kaya kumibo na ako.

"Sino ka?"

"'Wag mo na alamin! Ang gusto ko lang malaman ay gusto mo bang mabuhay babae?"

Nagulat ako nang biglang nag-iba ang tuno ng pananalita niya at sa sinabi niya.

Aba! Makababae 'to parang kanina lang ay young lady ang tawag saakin?

Sino ba siya?

Bakit ayaw niyang magpakita?

Anghel? Si Satan o ano?

'Wag naman sana si Satan.
Wala akong matandaan na ginawang masama.

"Sino ang tao ang ayaw na mabuhay? Gusto kong mabuhay! Hindi ako papayag na clorox ang dahilan kung bakit ako namatay. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ko!" sagot ko na lang sa kanya. Galit na kung galit.

Totoo naman, e.

"As you wish.."

"AHHHHHHHH!" napapikit ako ng mga mata sabay napasigaw nang biglang gumuho ang kinatatayuan ko kaya nahulog ako.

What the...

Hindi ito ang gusto ko!!!

+++

"Uwahhh Uwahhh" malakas na iyak ng sanggol.

"Congratulations your highness!" masayang bati ng katulong habang buhat ang sanggol.

Inabot niya ang sanggol sa Ina nito habang may malawak na ngiti.

"Welcome to the world Princess Adelaide!"

~~~~

Note: Inpired man 'to sa mga manhwa ay sinigurado ko na ang takbo ng kuwento ay pawang galing sa aking isipan. Kung may pagkakatulad man ito sa iba ay purely po na hindi ko sinasadya.

This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

P L A G I A R I S M 
is a crime!

⚠ Maraming pong typos at grammatical errors sa kuwentong ito. Kung ayaw niyo pong makabasa ng ganitong kuwento ay wag na po kayong magpatuloy ⚠

STARTED : 01-01-20
ENDED : 00-00-00

Steel Heart PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon