Chapter 23

1.9K 91 1
                                    


"Jacque!"

"Ayos ka lang ba?!"

Napatingin ako kay Bella.

"Anong nangyari?" tanong ko at hinawakan ko ang ulo ko dahil bigla itong sumakit.

"Dalawang araw ka ng walang malay dahil sa taas ng lagnat mo. Sobra kaming nag-aalala sayo. Akala ko ano na ang mangyayari sayo." nag-aalalang sabi niya at lumapit sa akin.

Dalawang araw akong walang malay?

Lagnat?

Bigla kong naalala ang nangyari sa gubat. Hindi ko inaasahan na ganon kalakas ang ulan kaya hindi na ako nagtaka kung bakit ako nagkaroon ng lagnat.

"Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" tanong niya at hinawakan ang noo ko.

"Bumaba na ang lagnat mo. Gusto mo bang kumain? Dalawang araw ka ng hindi nakakain." tanong at sabi niya.

Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Salamat at patawad kong pinag-alala ko kayo."

Umiling siya at tinapik ang kamay ko.

"Ano ka ba. Normal lang na mag-alala kami sayo. 'Wag kang humingi ng tawad. Magpahinga ka muna. Hintayin mo lang ako, kukuha ako ng pagkain mo."

Tumango ako sa kanya at binigyan siya ng tipid na ngiti. Lumabas na siya ng kwarto. Bumangon ako sa kama at pumunta sa banyo para maghilamos. Pagkatapos ko ay bumalik ako sa kama.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang maramdaman ko ang panghihina ng katawan ko. Matagal na rin akong hindi nagkaroon ng sakit kaya mukhang nabigla ang katawan ko.

"Jacque!!"

Hindi na ako nagulat nang dumating sina Ate Hina kasama ang iba. Ngumiti ako sa kanila.

"Patawad Jacque. Hindi sana kita iniwan. Kung alam ko lang na mangyayari 'to ay sinama sana kita. Hindi ko alam na lalakas ang ulan." nagsisising sabi ni Ate Ging sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay.

"Ayos lang Ate. Kasalanan ko kung bakit hindi ako bumalik ka agad. Kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo. Ayos lang ako."

"Pero kasalanan ko parin-"

"Wala kang kasalanan Ate. At saka lagnat lang 'to. Ayos na ako." putol ko sa kanya.

"Anong lagnat lang? Dalawang araw kang walang malay Jacque kaya 'wag mong sabihin 'yan."

"Ayos na ako Ate. See? Ang lakas ko." sabi ko sabay inat ng mga kamay ko.

Napabuntong hininga sila sa ginawa ko. Hindi na ako kinontra ni Ate Ging at tahimik niya akong pinagmasdan. Binigyan ko naman siya ng ngiti para hindi na siya mag-alala. Wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari.

Maya-maya ay dumating sina Bella at Lola Yen habang may dalang mga pagkain. Buong araw nila akong hindi iniwan sa kwarto hanggang sa tuluyang bumaba ang lagnat ko at umayos ang pakiramdam ko.

Habang nililibang nila ako ay hindi mawala ang ngiti ko. Ngayon ko lang naranasan na may nag-alala sa akin dahil sa may sakit ako. Kung alam ko lang na ganito kaganda sa pakiramdam ay gugustuhin kong magkaroon ulit ng sakit pero alam kong hindi pwede 'yon.

"Magpahinga ka Jacque. Kapag may kailangan ka, tawagin mo lang kami." sabi ni Ate Hina.

"Salamat."

Ngumiti sila sa akin bago sila tuluyang lumabas sa kwarto.

Ilang oras na kaming nag-uusap at hindi na namin napapansin na malapit ng sumapit ang gabi kaya nagpaalam na sila dahil may trabaho pa sila. Mukhang naabala ko pa tuloy sila.

Steel Heart PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon