Chapter 11

3.1K 168 8
                                    

Third Person's POV

"Why did you killed my mother?" napamulat ng mga mata si Adelaide nang maalala na naman ang mga salitang binitawan sa kanya ni Jerome.

Malamig siyang nakatingin sa harapan habang pilit na inaalis sa isipan niya ang sinabi ni Jerome.

"P-Princess A-Adelaide..m-may *breathe*.." natigil sa pagsasalita ang katulong na pumasok sa kanyang silid nang ibaling sa kanya ni Adelaide ang tingin niya. Malamig parin ang tingin niya kaya nakaramdam ng takot ang katulong.

"Bakit ka nandito?" seryosong tanong ni Adelaide kaya mas lalong natakot ang katulong at sumikip ang dibdib niya dahil pinipigilan niyang huminga.

"Huminga ka." seryosong utos ni Adelaide kaya agad na huminga ng sunod-sunod ang katulong.

Nang mapansin ni Adelaide na normal na ang paghinga nito ay muli siyang nagtanong.

"Anong kailangan mo?" tanong niya at bumalik sa normal ang tingin niya.

"N-nagpadala po ng imbitasyon ang Hari sa inyo sa magaganap na kaarawan ni P-Prinsipe Jerome." sabay pakita ng katulong sa invitation card habang nakalagay ito sa bukas na kahon.

"Ilagay mo lang dyan." utos ni Adelaide habang nakatingin sa ibang direksyon.

Yumuko ang katulong at nilagay sa table ang kahon kung saan nandon ang invitation card. Pagkatapos niya ay mabilis siyang lumabas sa kwarto ni Adelaide. Muntik pa siyang madulas dahil sa pagmamadali. Napailing lang ang ibang mga katulong na nakakita sa kanya sa labas.

Bumuntong hininga si Adelaide pagkatapos ay mabilis na tumayo. Binigyan niya ng tingin ang kahon na nakalagay sa lamesa. Bumuntong hininga ulit siya bago lumapit dito para basahin ang imbitasyon na binigay ng hari sa kanya.

Isang buwan na ang nakalipas simula nung maganap ang pagpasa ng trono kay Jerome bilang opisyal na crown prince sa kaharian at isang buwan na rin ang nakalipas simula ng pagtangkaan siyang patayin ni Jerome.

Sa isang buwang iyon ay wala paring nakukuhang sagot si Adelaide sa mga katanungan niya.

Anong ibig sabihin ni Jerome na siya ang dahilan kung bakit namatay ang ina nito?

Nangungunang katanungan sa kanyang isipan. Simula ng pagtangkaan siyang patayin ni Jerome ay hindi na siya dinalaw ng kanyang Ama mapati ang kanyang Ina. Hindi man lang nila binigyan ng paliwanag si Adelaide sa galit na pinakita ng kapatid niyang si Jerome sa kanya.

Hindi tanga si Adelaide na hindi mapansin na may tinatago silang malaking sekreto tungkol sa pagkatao niya.

Nitong nakaraang buwan ay parang isang iglap na nawala ang mga usapang kumakalat sa mansyon tulad na lang ng hindi siya anak ng Hari at ni Mrs. Rose. Minsan ay may mga pangyayaring hindi naiwasan na pag-usapan ito ng ilan sa mga katulong sa mansyon na agad namang natitigil dahil sa agad silang pinapalayas.

Palihim man ang mga kilos sa loob ng mansyon at pinapanatili ang normal na routine ay napansin parin ito lahat ni Adelaide. Naging aware na siya sa kanyang paligid at mas lalong tumalas ang pag-iisip niya.

Siguro kung normal lang ang pag-iisip niya na hindi maalala ang dating buhay niya ay baka kuhang kuha siya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi niya mapapansin ang mga kakaibang kinikilos nila. Kung normal din ang damdamin niya ay baka matagal na siyang nakakulong ngayon sa kanyang kwarto habang dinadamdam ang mga narinig at nalaman niya subalit iba siya. Dahil sa dating buhay niya ay nagamit niya ang talino niya na siyang naging dahilan kung bakit naging yari sa asero ang puso niya na mabilis na tinatanggap ang mga nalalaman niya habang wala siyang nararamdaman na kahit ano.

Steel Heart PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon