"Bakit mag-isa ka lang?" tanong sa akin ni Jayson.
Umupo siya sa tapat ko.
"Wala lang." tipid kong sagot at binaling ang tingin sa mga bulaklak na nandito sa hardin.
Simula nung dumating sina Don at Donya ay wala akong ibang ginawa kundi ang magtambay dito sa hardin. Kung hindi sa hardin ay sa libabry. Madalas ay kausap ko ang Donya. Ayaw nilang patulungin ako sa gawaing bahay dahil bisita nila ako. Hindi ko naman sila kayang tanggihan dahil ayaw kong magalit sila sa akin.
Hindi ko alam na mas nakakapagod pala kapag walang ginagawa.
"Lumabas ka na lang kaya?"
"Bakit ako lalabas?"
"Kasi nababagot ka?"
"No. Nakakatamad lumabas."
Nabigla ako nang sabay kaming bumuntong hininga. "Ikaw? Wala ka bang gagawin? Kailan ka babalik sa paaralan niyo?"
"Sa susunod na buwan pa. Kung pwede lang na hindi bumalik." nakasimagot niyang sagot.
"Buti nga nakakapag-aral ka."
"Bakit? Gusto mo bang mag-aral? Marunong kang magbasa at sumulat hindi ba? At saka babae ka. Hindi mo na kailangang mag-aral."
"Alam ko."
Sa panahong ito. Hindi na kailangan mag-aral ang mga babae. Tinuturing na taga silbi ang mga babae ng mga lalake. Pagluluto, paglilinis at pag-aalaga ng mga bata ang ginagawa ng mga babae samantalang ang mga lalake naman ay sila ang naghahanap ng buhay. Pero may mga babae din na naghahanap ng buhay at nag-aaral. Karamihan ay mga noble at may kaya.
"Papasok na ako." paalam ko nang maisipan na pumasok sa loob. Tuluyan ng sumikat ang araw kaya maiinit na dito sa hardin.
Tatayo na sana ako pero bigla kong nakita si Bernard na papalabas ng mansyon. Mabilis akong umupo ng maayos at tumingin ng deretso kay Jayson.
Napataas naman ng kilay sa akin si Jayson. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Akala ko ba papasok ka?" takang tanong niya.
"Nagbago na isipan ko. Magpapahangin muna ako. Masyadong mainit sa loob."
Lalong tumaas ang kilay niya.
"Magpapahangin? Kanina pa nandito at mas mainit dito kaysa sa loob."
Natigilan ako sa sinabi niya. Buti na lang ay iniwas niya ang tingin sa akin at binaling sa ibang direksyon.
Nakalabas na ba siya? Saan siya pupunta?
Nakabihis siya ng maayos kaya halatang may pupuntahan siya.
"Kuya Bernard!"
Nanlaki ang mga mata ko dahil tinawag siya ni Jayson.
"Anong ginagawa mo?" tarantang tanong ko sa kanya.
Binigyan lang niya ako ng nagtatakang tingin pagkatapos ay binalik ang tuon kay Bernard.
"Saan ka pupunta?" nakangiting tanong niya.
Napalunok ako ng laway nang maramdaman ang presensya niya sa likuran ko. Papalapit siya sa amin.
Bakit pa kasi siya tinawag ni Jayson? Hindi ko parin siya kayang harapin. Pagkatapos niyang ipaalala sa akin na nililigawan niya ako ay mas lalo akong umiiwas sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko kapag nasa harapan niya ako. Nangako akong hindi na iiwas sa kanya pero hindi ko parin talaga kaya. Hindi ko maiwasan na hindi umiwas sa kanya. Nahihiya ako.
"May bibilhin ako sa market." sagot niya nang tuluyan na siyang nakalapit sa amin.
Binaling ko ang tingin sa kanya pero mabilis din akong napaiwas nang magtama ang mga mata namin.
BINABASA MO ANG
Steel Heart Princess
FantasyKilalang bookworm si Jacqueline, anti-social, loner and a very quite person. Palagi niyang tinatakasan ang realidad sa pamamagitan ng pagbabasa ng fantasy novel. Minsan na niyang pinangarap na mangyari sa kanya ang mga binabasa niya, lalo na ang may...
