Adelaide's POVNapamulat ako ng mga mata nang tumama sa akin ang sinag ng araw. Agad kong naramdaman ang pananakit ng katawan ko dahil sa pagod.
"I'm hungry.." pinilit kong bumangon sa kama para kumuha ng pagkain.
Hindi ko na kaya..
Kailangan ay may makain ako kahit kaunti lang para mawala ang pananakit ng tyan ko. Hindi ito ang unang beses na nakaramdam ako ng gutom. Nitong naging utus-utusan ako ng bruha ay hindi ko maiwasang malipasan ng gutom. Pero yung ngayon ay kakaiba.. parang nasusuka ako na ano..
Muli kong pinilit ang katawan ko na tumayo para lumabas. Nang makatayo ako ng maayos ay humakbang ako palapit sa pintuan pero agad din akong napatigil nang may mapagtanto ako.
"W--Where the hell am I?!"
Nanlalaking mata kong nilibot ang tingin sa paligid ng silid. T-This is not my room!
Pa.. Paano ako napunta dito?
Pinilit kong alalahanin ang nangyari kahapon at ang naa-alala ko lang ay namili si Mrs. Rose ng kung ano-ano habang nakasunod ako sa kanya pagkatapos ay wala na akong maalala. Weird.
Nasa mansyon ba ako?
*knock* *knock*
Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may kumatok sa labas ng pintuan.
"Binibini gising na po ba kayo?"
Natigilan ako nang magsalita ang kumatok at tinawag akong binibini. Ngayon ko lang narinig na may tumawag sa akin nito. Prinsesa o ang pangalan ko ang tinatawag sa akin ng mga tao sa mansyon kaya sino ang nasa labas? Bakit parang hindi niya ako kilala? Wala ba ako sa mansyon?
"Binibini tulog parin po ba kayo?"
Her voice is not familiar kaya sigurado akong hindi siya tauhan sa mansyon at ang silid na ito ay ngayon ko lang nakita. Walang ganitong silid sa Mansyon. Mas malaki pa ito sa dating kwarto ko.
"Binibini?" nataranta ako nang tawagin niya ako ulit.
"Ah y-yes!" kahit na masakit parin ang tiyan ko ay tumakbo ako palapit sa pintuan para pagbuksan siya.
Nang makita ko ang nasa labas ay doon ko nakumpirma na wala nga ako sa mansyon.
Kung ganon ay nasaan ako?!
Yumukod siya habang nakangiti ng malawak.
W-wait..
"Hinihintay po kayo ni Donya sa baba. Ahm.. A-ano po.. nagising po ba kayo dahil sa akin?"
Mabilis naman akong umiling sa tanong niya.
Donya? Who?
"Ganon po ba? Mabuti naman. Maganda ba ang tulog niyo?"
"Hah?"
Nagtaka ako sa mga tanong niya. Ngayon lang ako tinanong ng ganito. Kaya nalilito ako kung ano ang isasagot ko o sasabihin. Ang ngiti rin niya ay napaka sincere hindi tulad ng mga ngiti ng katulong sa mansyon na halatang pilit.
"Mukhang hindi pa sariwa ang memorya mo. Ang mabuti pa po ay kumain muna kayo ng Donya."
Humakbang ang mga paa ko para sumunod sa kanya papunta sa kung saan man niya ako dadalhin.
May mga nakasalubong kaming ibang mga katulong na binigyan din ako ng ngiti tulad ng pinakita sa akin ng sinusundan ko ngayon.
Weird.
![](https://img.wattpad.com/cover/197640025-288-k790595.jpg)
BINABASA MO ANG
Steel Heart Princess
FantasiaKilalang bookworm si Jacqueline, anti-social, loner and a very quite person. Palagi niyang tinatakasan ang realidad sa pamamagitan ng pagbabasa ng fantasy novel. Minsan na niyang pinangarap na mangyari sa kanya ang mga binabasa niya, lalo na ang may...