Chapter 14

2.7K 127 7
                                    

TATLONG linggo at limang araw na ang nakalipas simula nung umalis ang Hari ng Viomente papunta sa kanluran upang asikasuhin ang ilang mga problemang natapon sa kanyang kaharian.

Sa kanyang pagkawala ay may mga pangyayaring hindi na kontrolado sa palasyo kasama na rin ang ilang mansyon niya dahil sumabay ang pagsasanay ng Prinsipe sa malayong lugar. Kaya ang mga tauhan lang ng Hari ang nagbabantay sa kaharian.

Hindi kaya ng mga taong binilinan ng Hari na panatilihin ang takbo ng palasyo. Araw-araw ay nagkakaroon ng problema dahil marami ang sumusuway sa kanila.

Ngunit si Adelaide ang pinaka naapektuhan sa sitwasyon ngayon ng palasyo at ng mga mansyon. Tatlong linggo na siyang naging utos-utusan sa loob at labas ng mansyon. Pinangungunahan ito ng kanyang ina na si Mrs.Rose Mary.

"Adelaide! Bakit hindi mo pa hinanda ang paliliguan ko?! Ang bagal ng kilos mo!" umagang umaga ay boses na agad ng ina niya ang umalingawngaw sa loob ng mansyon.

Nabaling ang tingin ng mga katulong sa taong pumasok sa sala at mabilis na umakyat sa hagdan para ipaghanda ng paliliguan ang kilalang madam ngayon sa mansyon.

Napailing ang mga katulong sa kanya sabay namuo ang ngisi sa kanilang mga labi.

"Buti nga sa kanya."


"Naku! Nakakatuwa siyang panoorin na naghihirap. Nakakapagod kaya siyang panglingkuran." napa-paypay na sabi ng isa sa mga katulong habang prenteng nakaupo sa sofa.

"Ayy tama ka dyan! Kailangan niyang pagbayaran ang lahat. Maraming ang nawalan ng trabaho dahil sa kanya. Buti na lang ay malaya na tayo ngayon!" sang-ayon naman ng isa pang katulong.

"Malaking pasasalamat kay Madam. Kung wala siya ay baka hindi tayo makakapagpahinga ng katulad ngayon."

"Oo nga! Sana'y matagalan pa sa pag-uwi ang Hari at ng Prinsipe."

"Aabot pa ng isang taon bago sila makabalik kaya panatilihin natin ang pananahimik natin sa nangyayari sa batang iyan. Isang mali lang natin ay agad itong makakaabot sa Hari. Kaya galingan mo ang pagpapadala ng liham sa Hari, Cecelia!"

"Oo naman!"

Nagtawanan ang mga katulong habang pinaguusapan si Adelaide na ngayon ay halos maligo na siya ng sarili niyang pawis.

"'Wag mo ng hahayaan na maulit 'to Adelaide!" sermon ni Mrs. Rose sa dalaga na ngayon ay nakaluhod habang nakayuko sa harapan niya.

"O-opo." sagot ng dalaga na kinangisi ni Mrs.Rose.

"Pwede ka ng bumalik sa silid mo at siguraduhin mo na kapag tinawag kita ulit ay hindi ka nangangamoy. Hmp! Amoy biik." sabay takip ng ilong at bumabad na sa hinandang paliguan ng dalaga.

Tumayo sa pagkakaluhod si Adelaide at lumabas sa banyo.

Bago siya tuluyang nakalayo ay agad na namuo ang kanyang ngisi ng marinig ang malakas na sigaw ni Mrs. Rose.

"AHHHH IPIS!"

Bago pa siya nito matawag ay mabilis siyang pumunta sa kanyang silid.

Hindi lang pang-aapi ang kanyang nararanasan kundi kinuha din sa kanya ang kwarto niya mapati ang kanyang magagandang mga damit kasama na ang mga perlas na binigay sa kanya ng Hari at ng Prinsipe ay walang natira.

Napabuntong hininga si Adelaide at umupo sa kanyang maliit na kama. Sinadya niyang maglaro sa mga biik kanina at siya din ang naglagay ng mga ipis sa banyong ginamit ni Mrs. Rose.

Wala siyang magawa kundi ang magtiis at sundin ang mga utos ni Mrs.Rose dahil wala siyang kapangyarihan para suwayin ang dating kinikilala niyang ina na naging bruha na sa kanya. Kahit ilang beses na siyang magsumbong sa palasyo ay wala paring nangyayaring aksyon sa pinaggagawa ni Mrs. Rose.

Steel Heart PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon