Chapter 13

2.9K 134 0
                                    

Third Person POV

MAINGAT na sinundan ni Adelaide ang binata. Sinigurado niyang walang makakapansin sa kanya.

Kasalukuyang nagsasaya ang mga bisita sa kanilang mga kausap, sa mga pagkain na hinanda at sa sayawan. Hinintay ni Adelaide ang pagkakataong ito. Alam niyang sa gitna ng kasayahang nagaganap sa loob ng palasyo ay palihim na lalayo ang Prinsipe upang umiwas ng saglit sa maraming tao.

Napangiti siya nang matanaw niyang maingat na umiwas ang Prinsipe sa mga bisita at palihim na umalis na siyang sinundan niya.

Patuloy na sinusundan ni Adelaide ang binata hanggang sa tuluyan silang nakalayo sa maraming tao. Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang mapatingin sa paligid ng kanilang dinadaanan at napansin na nasa bandang hardin na sila.

Gabi na kaya madilim ang ilang bahagi ng dinadaanan nila. Kaunti lang ang mga nakapalibot na ilaw sa paligid ngunit malinaw parin ang daan dahil na rin sa binibigay na ilaw ng buwan at ng mga bituin sa kalangitan.

"Who are you?" napatigil sa palalakad si Adelaide nang mabaling ang tingin niya sa gilid at nakita ang matulis na bagay na nakatutok sa kanya.

Dahil sa pagkawala niya ng atensyon ng ilang sandali kay Jerome ay hindi na niya napansin na nakalapit na pala ang binata sa kanya at ngayon ay nakalabas ang dala niyang espada habang nakatutok ito sa kanya.

Nagtama ang kanilang mga mata at natigilan si Jerome nang maklaro kung sino siya. Mabilis niyang binaba ang espada nang matauhan siya.

"Adelaide." malamig na tawag niya sa pangalan ng dalaga na siyang dahilan kung bakit hinubad ni Adelaide ang maskara niya pagkatapos ay yumuko bilang respeto sa Prinsipe.

"What do you want?" malamig niyang tanong at umiwas ng tingin kay Adelaide.

"Gusto sana kitang makausap." seryosong sagot ni Adelaide na kinatikhim ni Jerome.

"About what?"

Bumuntomg hininga si Adelaide pagkatapos ay binaling ang tingin sa hardin na nasa gilid nila. Sinundan naman siya ng tingin ni Jerome.

"Alam mo na kung ano yon." sagot ni Adelaide at humakbang palapit sa hardin bago tinanaw ang kalangitan na puno ng mga bituin.

Hinintay ni Adelaide na magsalita ang binata ngunit wala siyang nakuhang salita mula rito kaya binaling niya ang tingin dito at nagsisisi siya sa ginawa niya.

Biglang kumirot ang dibdib niya nang makita ang emosyon ni Jerome.

Adelaide's POV

'Anong meron sa emosyong pinapakita niya? Bakit ang laki ng epekto nito sa akin? Si Jerome ba ang nasa harapan ko ngayon?'

Halos pigilan ko ng huminga habang nakatingin parin sa kanya. Ngayon ko lang nakita ang ganitong emosyon na nagmula pa talaga sa kanya.

Ano 'tong pinapakita mo Jerome? Bakit hinayaan mong ilabas sa akin ang emosyong 'yan?

Hindi pa nga talaga kita kilala.

"What are you doing?!" hindi ko na nakayanan ang gustong lumabas na tanong sa akin nang hindi parin niya inalis ang emosyong ito.

"Bakit hinahayaan mong ipakita sa akin ang emosyong 'yan?! Ang natatandaan ko ay hindi ka naman ganyan nong huli tayong nagkita!" mabuti na lang ay malayo kami sa mga bisita kaya kahit lakasan ko ang boses ko ay walang makakarinig sa amin dahil narin sa lakas ng musikang nakapalibot ngayon sa loob ng palasyo. Mukhang wala naman yatang magtatangkang pumunta dito dahil maraming mga bantay ang nakapalibot. Maswerte lang ako dahil ginaya ko ang kilos ni Jerome kaya nasundan ko siya nang walang humahadlang.

Steel Heart PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon