Chapter 35

1K 58 7
                                    

Lumapit siya sa tindahan ng mga bulaklak. Nakita ko ang isang matandang babae na nasa loob ng tindahan. Mukhang siya ang may ari nito.

"Oh Bernard! Binigay mo na ba kay Alberto ang gamot?" tanong ng matandang babae kay Bernard. Kilala niya si Bernard?

"Opo, tapos na. Umuwi raw po kayo ng maaga. Ako na ang bahala sa tindahan niyo." Ngiting sabi ni Bernard.

"Naku! Sabing 'wag ka na tumulong. Malaki na ang naitulong mo sa amin. Ang mas mabuti pa ay mamasyal ka na lang. Maraming binibini ang pumunta rito ngayon. " sabi ni Lola sabay tawa ng mahina.

"Oo nga po. Marami nga. Magaganda pa."

Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi ni Bernard. Magaganda ah?

"Pero mas maganda parin kayo Lola." bola ni Bernard. Pinalo naman siya ni Lola sabay tawa.

Napangiti ako nang marinig ang tawa ni Lola. Kahit hindi ko siya kilala ay masaya akong makita siyang masaya.

"Katulad po ng kasama ko ngayon."

Nabigla ako dahil binaling ni Bernard ang tingin niya sa akin habang nakangiti. Tumingin din sa akin si Lola kaya napayuko ako.

"Ohh. May kasama ka pala."

"Opo. Maganda po siya hindi ba?"

Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya pero uminit ang magkabilang pisngi ko.

"Sobrang ganda! Halika hija. Lapit ka." Aya sa akin ni Lola. Inangat ko ang tingin ko kay Bernard at tumango siya sa akin kaya lumapit ako sa kanila.

"Napakaganda! Anong pangalan mo hija?"

Lalong uminit ang mukha ko at hindi ako makatingin ng deretso kay Lola. Nakakahiya.

"A-Adelaide po." Mahinang sagot ko.

"Adelaide! Napakagandang pangalan. 'Wag ka mahiya hija." ngiting sabi niya at hinawakan ang kanang kamay ko.

"Ingatan mo ang batang ito Bernard! 'Wag mo siyang sasaktan!" Sabi niya kay Bernard kaya napayuko ako muli.

"Opo. Hindi ko po yan sasaktan. Aalagaan ko ng maayos."

Walanghiya ka Bernard!

Alam na nga niyang nahihiya ako pero kung ano-ano ang sinasabi niya.

"Haha. Ganyan nga. Alam mo ba hija. Ilang beses na siyang kinausap ng mga binibini na bumibili rito pero wala siyang pinansin kahit isa sa kanila. Kinabahan nga ako nung una dahil baka wala ng bumili sa paninda ko pero dahil sa hitsura niya ay mas lalong dumami ang bumibili rito kahit hindi niya sila pinapansin."

Ngumiti lang ako sa sinabi ni Lola. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung bakit niya ito sinabi sa akin.

"Maganda lang talaga ang mga bulaklak mo Lola kaya marami ang bumibili nito." Sabi ni Bernard.

"Naku! Kahit kailan talaga Bernard. Sige, hindi ko na kayo gagambalain. Ipasyal mo siya Bernard!"

"Opo Lola."

"Yumuko ka Hija."

Nagtaka ako sa sinabi ni Lola pero yumuko parin ako. Nakita kong kinuha niya ang isa sa binebenta niyang flower crown.

"Naku 'wag na po." Mabilis kong sabi sabay iling pero inabot niya ang ulo ko at nilagay ang flower crown na kinuha niya.

Nahihiya akong tumingin sa kanya.

"Mas lalo kang gumanda!" Puri niya sabay tawa.

"Babayaran ko po."

"'Wag na hija. Sayo na 'yan. Masaya akong makita ka." ngiting sabi niya.

Steel Heart PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon