"Princess Adelaide kailangan mong bumalik sa silid mo. Aayusin pa ni Hina ang buhok mo. Nasa taas na siya."
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang hitsura ko sa salamin. Napahawak ako sa magulo kong buhok. Muntik ko ng makalimutan na hindi pa pala naayos ang buhok ko.
Mabilis akong umakyat sa taas. Muntik pa akong mawalan ng balanse dahil sa haba ng suot ko.
"Ate H-hina." agad kong tawag kay ate Hina na naghihintay sa akin sa loob ng kwarto.
"Bakit hinihingal ka? Tumakbo ka ba?" gulat na tanong niya.
Ngumiti ako bilang sagot at nakatanggap naman ako ng mahinang palo galing sa kanya.
"Umupo ka na. Aayusin ko pa palamuti mo. Bakit ka kasi tumulong sa baba? Sabing manatili ka dito sa silid habang wala pa siya."
Umupo ako sa harapan ng salamin at pumwesto naman si Ate Hina sa likuran ko.
"Hindi ako mapakali. Gusto kong tumulong. Hindi ako makapag-isip ng maayos."
"Hindi ka parin dapat tumulong. Nakasuot ka pa naman ng maayos. Magugulo lang ito."
"Alam ko. Sadyang hindi lang ako mapakali kapag wala akong gagawin. Parang gustong sumabog ng ulo ko sa rami ng iniisip ko." mahinang sagot ko.
"Ano ba kasi ang iniisip mo?"
"Ano..na baka ay hindi siya pumayag na hindi ako sasama sa kanya pabalik sa mansyon."
Darating ngayon ang Prinsipe dito sa mansyon ng Laville dahilan kung bakit hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung huli ko siyang nakita. Hindi pa ako handang makaharap siya. Bakit kasi siya pupunta rito? Hinayaan na sana niya akong manatili dito ng tahimik kahit nakakahiya na.
Ang plano ko ay saka lang ako uuwi kapag dumating na ang Hari kaya pakikiusapan ko siya na 'wag niya akong isama ngayon pabalik. Kahit naayos na niya ang gulo sa palasyo at sa ibang mga mansyon ay hindi parin ako panatag na maayos na ang lahat. May chance parin na tratuhin akong isang alipin sa mansyon ng mga katulong dahil sa rumors na kumakalat sa mansyon at sa palasyo. At hindi ko rin alam kung magaan na ba ang loob sa akin ng Prinsepe. Sa mga liham na pinadala niya ay normal lang siya. Hindi halatang hindi kami magkaayos. Ngayon ko malalaman kung galit parin ba siya sa akin.
"Jacque! Nandito na ang crown prince!" Malakas na sabi ni Daisy sa labas ng pintuan.
Nagkatinginan kami ni Ate Hina. Mabilis kaming kumilos para ayusin ang suot ko. Buti na lang ay natapos na ni Ate Hina ang buhok ko.
"'Wag kang mag-alala. Papayagan ka niya." Mahinang sabi sa akin ni Ate Hina.
Ngumiti ako at tumango.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Bumungad sa akin ang mga katulong na nakapila sa gilid ng pintuan habang nakayuko sila.
"Princess." Ngiting tawag sa akin ni Donya na nasa gitna ng mga katulong kasama ang Don na nakangiti rin sa akin. Pareho silang nakasuot ng magarang damit. Wala si Jayson dahil may inasikaso siyang papeles sa town.
Lumapit ako sa kanila. Pagkalapit ko ay hinawakan ni Donya ang kanang kamay ko pagkatapos ay pinisil niya ng mahina ang palad ko.
"Don't worry, nandito lang kami." bulong sa akin ni Donya. Ngumiti ako sa kanya. Medyo nawala ang kaba ko dahil sa ginawa niya.
Binitawan niya ako pagkapasok ng Prinsipe. Lahat kami ay yumuko at binati siya.
"His Royal Highness, the Crown Prince of Viomente."
BINABASA MO ANG
Steel Heart Princess
FantasyKilalang bookworm si Jacqueline, anti-social, loner and a very quite person. Palagi niyang tinatakasan ang realidad sa pamamagitan ng pagbabasa ng fantasy novel. Minsan na niyang pinangarap na mangyari sa kanya ang mga binabasa niya, lalo na ang may...