Chapter 29

1.2K 69 2
                                    


"Let me court you."

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Nakatingin siya sa akin ng deretso at ganon din ako sa kanya. Makikita sa mga mata niya na seryoso siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"W-what.."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"I like you Jacque. Let me cour-No. I don't need your permission. Hayaan mo akong ligawan ka" seryosong sabi niya dahilan kung bakit mas lalong nagwala ang nararamdaman ko.

Napalunok ako ng laway nang ilapit niya ang kamay niya sa mukha ko pagkatapos ay inayos niya ang buhok ko.

W-what the..

"Gising Jacque!"

Nagmulat ako ng mga mata at mabilis na bumangon nang marinig ang malakas na boses ni Ate Hina.

Gulat akong napatingin sa kanya. "A-ate Hina?"

"Hapon na Jacque. Hindi ka pa nakakakain. Nagpuyat ka ba kagabi? Anong ginawa mo?" takang mga tanong niya at inayos ang kumot ko.

Umalis ako sa kama habang kinakamot ang palad ko. Hapon na?

Pumunta ako sa bintana at nakitang hapon na nga. Bakit napahaba ang tulog ko? Maaga naman ako gumigising. Hindi rin ako nagpuyat kagabi.

"Akala ko ba ay ayos na kayo ni Bernard? Bakit ikaw na naman ang umiiwas sa kanya?" natigilan ako sa sunod na tinanong ni Ate Hina.

'I like you Jacque.'

Biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko nang maalala ang napanaginipan ko. Napakamot ako sa tainga ko.

"I-iniiwasan? H-hindi ah.." sagot ko habang nakaiwas ng tingin sa kanya.

"Anong hindi? Ilang beses ka na naming nahuli na lumalayo kapag nakikita mo si Bernard. Ayos lang ba talaga kayo? Bakit parang nagpalit lang kayo ng posisyon?" takang mga tanong niya.

"At bakit parang natutuwa pa ngayon si Bernard sa ginagawa mo? Anong meron?" tanong pa niya.

Hindi ako makagalaw dahil sa dami ng tanong niya. Para akong nasa korte na tinatapunan ng maraming tanong ni Ate Hina.

"Ayos ka lang?"

Muntik na akong mapatalon nang maramdaman ang kamay ni Ate Hina sa kanang balikat ko. Hindi ko naramdaman na lumapit siya sa akin.

"Para kang nakakita ng multo. Ganon na ba kahirap sagutin ang mga tanong ko?" sabi at tanong niya sabay tawa.

"'Wag mong pansinin ang mga tanong ko. Nagtataka lang ako. Mas mabuting kumain ka na. Walang laman ang tyan mo baka manghina ka."

"S-sige. Salamat." sa wakas nakapagsalita na rin ako.

Ngumiti siya sa akin at nagpaalam na lalabas na siya.

Pagkalabas niya ay napahinga ako ng maluwag.  Nakakatakot palang magtaka si Ate. Ang dami niyang tanong. Sa rami ng tanong ay hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Parang nalunok ko ang dila ko kanina. Buti na lang ay umalis siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung nagpatuloy siya sa pagtanong.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba ako para kumain.

"Gising ka na." napatigil ako sa paglakad dahil sa nagsalita sa likuran ko.

"Matagal ka bang natulog? Anong ginawa mo?"

Bakit parang pareho sila ng tanong ni ate Hina?

Don't tell me tatapunan niya rin ako ng maraming tanong?

Steel Heart PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon