Adelaide's PovKasalukuyan akong kumakain ng dinner nang biglang dumating ang Ina ko. Kaya hindi ko natapos ang kinakain ko dahil gusto niya raw akong kausapin.
Ano naman kaya ang sasabihin niya? Masyadong ba itong mahalaga kaya kinailangan pa niyang pumunta dito ng ganitong oras?
Nakakapagtaka dahil dalawang taon na siyang hindi nagpapakita sa akin tapos ngayon ay bigla na lang siya sumulpot at gabi pa talaga.
Parang kaninang umaga lang ay ang Hari ang pumunta dito. Anong meron?
Nakatingin lang ako sa kanya habang nakaupo sa tapat niya. Hinihintay ko siyang magsalita. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya nanahimik na lang ako. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit ang tagal na niyang hindi pumunta dito. Pero 'wag na lang baka mahighblood pa. Mukha kasing mainit ang ulo niya dahil sa ekspresyon niya.
Wala naman akong natatandaan na ginawang masama kaya anong kailangan niya sa akin?
"Bakit ikaw pa?" tanong niya. Ano raw?
"It would have been better if you weren't born." natigilan ako sa sunod niyang sinabi.
Ako ba ang kausap niya? Malamang ako pero hindi naman niya yata alam na nakakaintindi ako ng foreign language. Kaya hindi direktang sinabi niya ito sa akin.
Wala akong balak na sagutin siya dahil ayaw kong malaman niyang nakakaintindi ako ng lenggwaheng ginamit niya. Sapat ng alam ito nina kuya at ng Hari at ayaw kong may makaalam pang iba.
"Tell me.. why?"
"For long years, I've tried everything to make him notice me but he still.. " naghintay ako ng sunod niyang sasabihin pero wala na siyang sinabi.
Hmm?
Naghintay pa ako ng ilang segundo pero hindi na siya nagsalita kaya ako na ang gumawa ng paraan para maputol ang katahimikan.
"Ma?" tawag ko sa kanya na kunwaring hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya.
Dahil sa pagtawag ko sa kanya ay umikot ang mga mata niya at nag senyas na pwede na akong umalis. Yumuko ako at mabilis na naglakad papunta sa banyo ng kwarto ko.
Naiihi na ako.
Pagkatapos ko sa banyo ay humiga ako sa kama habang nakaharap sa kisame.
'It would have been better if you weren't born.'
Napatagilid ako at niyakap ang unan nang maalala ko ang sinabi niya.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon.
Ngayong narinig ko na mismo galing sa bibig niya ang mga salitang 'yon ay hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. May part sa akin na masakit. Hindi sa nasasaktan ako kundi nasasaktan ako sa kanya. No. Ang tamang salita ay naaawa.
Imagine, nine months akong nasa sinapupunan niya at hindi ko alam kung ano ang ginawa niya para pigilan niya ang sarili niya na hindi ako patayin sa mga oras na yon. Alam kong ayaw niya sa akin.
Anyway, kasalanan niya ngayon kung bakit nagsisisi siyang sinilang ako. May opportunity na nga siya na 'wag akong buhayin nung nasa womb pa niya ako. 'Yan kasi nasa hulihan ang pagsisisi tsk tsk.
Hindi ko na lang inisip ang kabaliwan na pumapasok sa isipan ko. Ang mas mabuti pa ay matulog na ako.
Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko at pumikit ng mga mata.
~~~
Kinabukasan ay maagag kong tinawag si Marie para lumabas sa mansyon.
"Marieee gusto kong lumabas!"
BINABASA MO ANG
Steel Heart Princess
FantastikKilalang bookworm si Jacqueline, anti-social, loner and a very quite person. Palagi niyang tinatakasan ang realidad sa pamamagitan ng pagbabasa ng fantasy novel. Minsan na niyang pinangarap na mangyari sa kanya ang mga binabasa niya, lalo na ang may...