Chapter 5

3.6K 196 16
                                    

Adelaide's POV

"Pupunta dito ang Hari."

Hindi parin ako makapaniwala nang bigla itong sabihin sa akin ni Marie kahapon. Nabitawan ko pa ang hawak kong baso dahil sa gulat. Buti na lang ay hindi ito nabasag dahil sa malambot na lugar ito bumagsak.

Biglang pumasok sa isipan ko ang huling sinabi ni Jerome sa akin bago umalis nung pumunta siya dito sa mansyon. So.. ang tinutukoy niyang dadalaw ay ang ama namin. Sa tagal na taon na hinintay ko siyang magpakita ay dumating na rin ang araw na ito. Hindi sa excited akong makita siya kundi gusto kong malaman kung ano ang sasabihin niya sa akin ngayong magkikita kami.

Ang alam ko ay hindi naman siya masama, according to Jerome. Masyado lang siya busy kaya hindi niya ako nadadalaw. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo. Kung totoo nga ay sobrang busy naman niya at ngayon lang siya magpapakita sa akin. Anyway, wala rin naman akong pakialam.

Naghanda na lang ako para sa pagdalaw niya sa mansyong ito. Baka nga ay ang mansyon ang pinunta niya rito tulad ng magaling kong Ina.
Ayokong mag assume at wala akong balak na mag assume dahil tulad ng sabi ko noon ay kahit hindi ko na makita ang mga magulang ko basta nakakahinga parin ako at may natutuluyan akong bahay.

"Nandito na ang mahal na Hari!"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang sabihin ito ng isa sa mga kawal na pumunta dito kaninang umaga para salubungin ang Hari.

Nag sinlinyahan ang lahat ng mga katulong at mga kawal na nasa sala para batiin ang pagpasok ng Hari habang ako ay nasa gitna nila. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba ngayong makikita ko na ng harap-harapan ang ama ko. Nakita ko naman ang hitsura niya sa mga larawan pero iba pa rin talaga kapag personal na.

Narinig ko ang mga hakbang sa labas hanggang sa tuluyan silang nakapasok.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla itong nanikip nang makita ang Ama ko. Ang akala ko dati ay wala lang sa akin kung makikita ko ang Hari. Pero ngayong nasa harapan ko na siya ay sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Kahit pa na paulit-ulit kong sabihin na wala akong pakialam sa mga magulang ko ay mayroon parin sa part ko na kahit ganito ang pakikitungo nila sa akin na parang hindi ako nag e-exist sa buhay nila ay nagpapasalamat parin ako dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi ako mabubuhay sa mundong ito.

"Your majesty, the great sun of the empire." sabay-sabay naming binati ang Hari habang nakayuko.

"Raise your heads."

Boses pa lang niya ay ang laki na ng epekto nito sa akin.

Inangat na namin ang mga ulo namin pero hindi nakatingin ang mga tao sa kanya. Diretso silang nakatingin sa kanilang harapan maliban sa akin.

"So.. you are my daughter." tumigil ang paghinga ko nang sabihin niya ito habang nakatingin sa akin ng deretso.

'Oh yes. I am your daughter. After 6 years na hindi mo ako binalak na makita, anong masasabi mo ngayon?'

Pero syempre hindi ko 'to sinabi ng malakas baka mapugutan pa ako ng ulo ng wala sa oras.

"Yes, your highness." sagot ko sa kanya at medyo nagulat pa siya dahil sa sagot ko.

Oh noh! Hindi nga pala niya alam na nakakaintindi ako ng foreign language shit! Bakit pa kasi siya nagtanong kung wala rin naman siyang balak na sabihin ito sa akin ng deretso?

"Tinuran ka ba ni Jerome?" mas lalo akong nabigla sa tanong niya.

Alam niya na nagkikita kami ni Jerome?
Pero magandang ideya rin ito. Hindi na siya magtataka kung sasabihin kong tinuruan nga ako ni Kuya Jerome. Anyway, siya rin naman mapapagalitan kung sakali man. Higanti ko na rin sa kanya sa lahat ng pant-trip na ginawa sa akin.

Steel Heart PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon