Adelaide's POVKasalukuyan akong inaayusan ni Marie ngayon. Kahit gusto kong ako lang ang nag-aayos sa sarili ko ay hindi ko siya pwedeng patigilin dahil sasama lang ang loob niya. Iniisip niya kasi na sa tuwing pinipigilan ko siya sa lahat ng ginagawa niya ay nagsasawa na ako sa kanya kaya para hindi niya ito isipin ay hinahayaan ko siyang asikasuhin ako.
"Isang taon na ang nakalipas simula nung nagpa Tea Party ka Prinsesa. Wala ka bang balak na magkaroon ulit?" tanong niya sa akin habang inaayusan parin ako.
"Hindi naman ako ang magd-desisyon niyan." sagot ko lang sa kanya.
Ang mga magulang ko ang mag d-desisyon kung magpapa tea party ako at mas pipiliin kong hindi na muling magkaroon. Ayaw ko ng makita ulit ang mga anak ng Duke at Duchess na iniimbentahan nila. Maiirita lang ako sa mga sinasabi nila.
6 years old na ako at malapit na akong mag seven. Makakalabas na rin ako sa mansyon. Ang tagal ng hinintay ko. Matitikman ko na rin ang labas.
"Princess may bisita ka."
Nagkatinginan kami ni Marie dahil sa sinabi ng katulong sa labas ng pintuan ng kwarto ko.
"Ah sige ba-baba na siya." sabi ni Marie kaya umalis na ang katulong sa labas ng kwarto ko.
Tumayo ako para lumabas ng kwarto at puntahan sa baba ang bisitang tinutukoy ng katulong.
Sino kaya ang bisita? Wala namang bumibisita sa akin kaya nagulat ako nang sabihin ng katulong na may bisita ako.
Hindi kaya ang magaling kong Ina? Baka nga ay siya dahil sa magd-dalawang taon na nung huli ko siyang nakitang pumunta rito.
Bakit kaya naisipan niyang dumalaw ngayon?
Pero kung ang Ina ko nga ay bakit hindi sinabi ng katulong kung sino siya?Kapag pumupunta naman siya rito ay sinasabi nila kung sino siya.
Hindi naman kaya na...
Natigilan ako nang makita ang lalakeng nakatayo malapit sa bintana sa sala.
Nakatalikod pa lang siya ay kilala ko na kung sino siya.Bakit siya nandito?
Ang natatandaan ko ay wala siyang balak na pumasok sa mansyon kaya hindi na niya pinaalam na pasekreto siyang nakikipagkita sa akin sa hardin.
"Hey." napatigil ako sa paglakad nang humarap siya sa akin.
Ilang buwan ko na siyang hindi nakikita at malaki na ang pinagbago niya. Lumalalim na ang boses niya at nag-iiba na rin ang hugis ng katawan niya at ng mukha niya.
Nagbibinata na siya.
"Big brother." yumuko ako sa kanya bilang paggalang.
Hindi na ako na a-awkwardan na tawagin siya nito. Ilang beses na niya akong kinulit na tawagin siyang kuya o big brother at sa tuwing nakakalimutan ko ay nagagalit siya kaya wala akong magawa kundi ang sanayin ang sarili ko.
4 months na rin ang nakalipas nung huli siyang nagpakita sa hardin kaya nakakagulat na nandito siya ngayon. Dito pa talaga sa loob ng mansyon. Ang akala ko ay sa hardin ko parin siya makikita pero hindi.
"Anong ginagawa mo rito? Paano na ang pag-aaral mo?" tanong ko sa kanya.
Wala na akong pakialam kung magtaka sa amin ang mga katulong na nagmamasdan sa amin ngayon. Kasalanan nila kung bakit sa tagal na pumupunta si Jerome dito ay hindi man lang nila siya nahuli. Mapati ang mga guwardya sa gate na nalaman kong palaging mga tulog ay walang kaalam alam na may nakakapasok na dito. Useless din ang pagbabantay nila kaya nung nagpaalam si Kuya sa akin na hindi na niya ako mapupuntahan ay nagsumbong siya na palitan ang mga guwardya sa gate ng mansyong ito bago pa may makapasok na ibang tao.
BINABASA MO ANG
Steel Heart Princess
FantasyKilalang bookworm si Jacqueline, anti-social, loner and a very quite person. Palagi niyang tinatakasan ang realidad sa pamamagitan ng pagbabasa ng fantasy novel. Minsan na niyang pinangarap na mangyari sa kanya ang mga binabasa niya, lalo na ang may...