Tahimik na nakaupo sina Adelaide at Bernard sa harapan ng lamesa kasama ang mag-asawang Laville at ang kanilang anak na binata na si Jayson.
18 taon gulang na si Jayson. Nag-aaral siya sa silangan at tatlong taon na siyang hindi nakakabalik sa kanilang lugar. Siya ang pinuntahan ng mag-asawang Laville sa Silangan. Nag-iisa nilang anak si Jayson kaya kahit binata na siya ay hindi siya kayang iwanan ng kanyang mga magulang. Every month ay dinadalaw siya ng kanyang mga magulang at kapag kalahating taon naman ay umuuwi siya sa kanila para magbakasyon.
Malawak na nakangiti sina Don Allerno at Donya Zcyrah habang si Jayson ay seryosong nakatingin kina Bernard at Adelaide.
"Kamusta Hija? Maayos ba ang trato sayo ng mga tao rito? Wala bang naging problema?" sunod-sunod na mga tanong ni Donya Zcyrah kay Adelaide.
Ngumiti si Adelaide sa kanya. "Opo. Maayos naman. Wala pong naging problema. Napakabuti nilang lahat sa akin."
"Mabuti naman kung ganon." sabi naman ni Don Allerno sa kanya.
Wala ng nagsalita sa kanila kaya namuo ang katahimikan. Binaling ni Adelaide ang tingin niya sa baba dahil hindi parin iniiwas ni Jayson ang tingin niya sa kanilang dalawa ni Bernard. Si Bernard naman ay nakipagpalitan na ng tingin kay Jayson.
"Nandito na pala ang mga pagkain."
Nabasag ang katahimikan dahil dumating na ang mga pagkain. Isa-isa itong nilapag ng mga katulong sa lamesang nasa harapan nila.
"Kumain na tayo." masayang sabi ni Don Allerno.
Ngumiti sina Donya Zcyrah at Adelaide habang ang dalawang binata ay deretso parin ang tingin nila sa isa't isa. Hindi sila pinansin ng mag-asawa. Sanay na sila sa ugali ng kanilang anak na si Jayson at naiintindihan nila si Bernard kung bakit nakikipagtitigan din ito sa kanya. Kilala nila si Bernard na hindi nagpapatalo. Umaawat lang sila kapag humantong na sa away ang dalawa.
"Siya nga pala Bernard. Dinalaw ka ba ng ama mo?" tanong ni Don Allerno.
"Wala po." tipid na sagot ni Bernard at tinuon ang atensyon sa mga pagkain.
---
"Tama nga talaga ang naging desisyon namin na manatili ka rito. Nung unang dumating ka dito ay napakapayat mo. Pero ngayon ay lalo kang gumanda." sabi ni Donya Zcyrah kay Adelaide sabay tawa ng mahina.
Ngumiti naman si Adelaide. Nagpatuloy sa pagpuri ang Donya kay Adelaide habang siya ay kanina pa nahihiya. Nakisali narin ang Don hanggang sa sumingit sa kanila si Bernard.
"May lagnat 'yan." sabi ni Bernard at binigyan ng tingin si Adelaide.
Nanlaki naman ang mga mata ni Adelaide.
"May lagnat ka Hija?" nag-aalalang tanong ni Donya.
"Wala po. 'Wag kayong maniwala sa kanya." sabay iling ni Adelaide.
Hindi pinansin ng Donya ang sinabi niya. Lumapit siya kay Adelaide at hinawakan ang noo nito.
"Wala na po akong lagnat." mahinang sabi ni Adelaide at nahihiyang umiwas sa Donya.
"'Wag ka magsinungaling hija. Ayos ka lang? Hindi ba masama ang pakiramdam mo? Hindi ka ba nahihilo?" sunod-sunod na tanong ng Donya habang nakahawak na sa kamay ni Adelaide.
Naiilang na ngumiti si Adelaide at tumango. "Ayos lang po ako. Hindi po masama ang pakiramdam ko."
"Totoo?"
Tumawa ng mahina si Adelaide. "Nagkaroon po ako ng lagnat pero gumaling na ako. Tanungin niyo pa po sina Lola at sina Ate. Inalagaan nila ako."
"Mabuti naman Bakit ka nagkaroon ng lagnat Hija? May nangyari ba?"
BINABASA MO ANG
Steel Heart Princess
FantasyKilalang bookworm si Jacqueline, anti-social, loner and a very quite person. Palagi niyang tinatakasan ang realidad sa pamamagitan ng pagbabasa ng fantasy novel. Minsan na niyang pinangarap na mangyari sa kanya ang mga binabasa niya, lalo na ang may...