Chapter 3

45 9 0
                                    


"Alam mo ba kung bakit ka naparito iha?" Tanong siya saakin. Halata naman na 'di ko alam ang sagot kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.




"Naparito ka iha, dahil sa mga magulang mo."




Ano?



It took me a while to process what she just said. The reason why I'm here... is because of my... parents?




"P-po?" Nanginginig kong tanong. Tama ba yung narinig ko? Dahil kina Nanay Julie at Tatay Jun, naparito ako? Pero..... paano? Bakit? Akala ko ba ayaw nila ako ipaaral dito dahil masasama silang tao? Akala ko ba prinoprotektahan nila ako laban sa kapahamakan, pero bakit parang mas nilalapit pa nila ako?




Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. No, 'wag kang umiyak sa harap ng Reyna, Sera. Agad kong pinunasan ang luha ko.




Pero...... bakit? Diba dapat sinisekreto nila ito? Bakit niya sinasabi saakin ang dahilan kung bakit ako naparito?




"Dahil kailangan mong malaman ang lahat iha" pagsasalita niya.




Gulat ko siyang tinignan. Papaano niya nasagot ang tanong ko kung 'di ko naman siya tinatanong?




Siguro advance lang siya mag-isip Sera.




I shook my head, teka pag-isipan ko muna. Diba isa siyang Reyna? At malamang sa malamang, ang Reyna ay may abilidad at pati na rin ang mga tao rito.




Sa pagkakaalam ko ay may iba't ibang uri ng mga abilities. Puedeng Physical, Mental at marami pang iba.




Since sumagot siya ng wala akong sinasabi, siguro may Mental Ability ang Mahal na Reyna. Puedeng Mind Reading, Mind Control, Hypnosis, Illusion at marami pang iba.




At dahil nga wala akong sinabi o tinanong sakanya, siguro ay may abilidad siyang magbasa ng mga iniisip ng mga tao. At kung may kakayahan siyang magbasa ng mga iniisip ng mga tao, puede niyang magamit iyon sa pamamagitan ng paghawak ng isang tao na tinatawag na Physical Touch o sa pamamagitan ng pag-titig ng isang tao na tinatawag na Stare Reading.




Nagulat ako sa mga teorya na naisip ko. Pati na rin sa mga leksiyon na natalakay namin dati, nandito pa rin.




Hindi kaya, may abilidad siyang magbasa ng mga iniisip ng mga tao? What if isa siyang Mind Reader? What if her ability is to read people's mind?




"Tama ka iha, I have the ability to read people's mind. I am a Mind Reader at nababasa ko lahat ng iniisip ng mga tao." Sagot niya at ngumiti ng malapad. Para bang nasisiyahan siya dahil sa mga iniisip ko tungkol sakaniya.




So totoo nga, lahat ng teorya ko tama. Labis ang saya ko ngayon dahil tama lahat ng mga teorya ko-




Teka kapag isa siyang mind reader ibig sabihin, nabasa niya lahat ng mga iniisip ko kanina?!




"Sinasabi ko ito sa'yo dahil may karapatan kang malaman ang lahat, kahit wala ako sa tamang posisyon para sabihin sa'yo ang mga nalalaman ko. Ngunit gusto kong malaman mo ang mga rason kung bakit ka naparito, hindi ko man masasabi ang iba ngayon pero pangako, sasabihin ko ang lahat sa susunod na araw na lamang."





"P-pero bakit hindi nalang po ngayon?" Hiyang tanong ko.

Avalon UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon