Chapter 8

26 3 0
                                    





"Look girls, we have a new toy." A girl with blonde hair said while smirking at me.






Toy? Mukha ba akong laruan?






"Mukhang masaya 'tong laruin lalo na't wala na yung dati nating laruan." Sabi pa ng isang babae na nakangisi rin.






Tinignan ko sila ng blanko ang aking mukha. 'Di ko pa rin maintindihan ang kanilang mga sinasabi kaya yumuko ako ng maliit at lumakad nang paalis. Ngunit maglalakad na sana ako nang bigla akong hinila sa buhok ng mga babae. Tinignan ko sila ng masama, kasi sino ba naman ang hindi magagalit kapag hinilaan ka ng buhok diba?







"The audacity to leave? Sino nagsabi sa'yo na puede ka nang umalis habang nandidito pa kame sa harapan mo?" Kalmadong sabi ng babaeng naka-blonde ang buhok.






Aba sino ka ba para sundin kita? Ano kita amo, tapos ako alaga mong aso?





"Look oh, she's glaring at you Andie." Sabi din ng isang babaeng naka glasses.





"Yabang, 'kala mo naman matapang." Sabi ng babae na si Andie habang naglalakad ng palapit. Umatras ako ng dahan-dahan hanggang sa 'di na ako maka-hakbang paatras dahil sa pader.







May kinuha ang babae na si Andie sa kanyang bulsa at yun ay isang maliit na karton ng gatas. Binuksan niya ito ng dahan-dahan at tinignan ako ng may kasamang kakaibang titig at ngisi sa kanyang labi.






"Hey new student, alam kong bago ka palang dito sa unibersidad na ito, kaya hindi mo pa alam kung sino kami. So I'm giving you a chance, kneel down and apologize to me or i'll pour this milk on your head." Sabi niya saakin.





I looked down to think and analyze the situation. Kung nasa isang libro ako at kung ako ang bida 'dun, sigurado sila ang mga kontrabida sa buhay ko. Sila ang mga "mean girls" dito sa uniberisdad na ito.






"Hoy kinakausap ka ni Andie, 'wag kang magbingi-bingihan diyan!" Galit na sigaw ng babae.





"I guess you don't want to apologize." Wika ni Andie.





Kinalmahan siya ng iba niyang kasama kaya sinimulan na ni Andie na buhusan ang gatas sa aking ulo.






Napa-luhod ako dahil basa na yung buhok ko at pati na rin ang aking uniporme. Napatawa ang iba niyang kasama dahil sa ginawa niya. At ng naubos na ang laman ng karton ng gatas, napa-luhod ako dahil sa hiya, lungkot at galit.





Tinignan ko sila ng masama. 'Di nila alam kung sino ang hinaharap nila. I used to be the Ace of my old school, now I feel like I'm just a student with no ability. No strength. And no power.





Para akong basurang 'di kayang itapon sa basurahan. Ayokong umiyak sa kanilang harapan dahil malalaman nila na isa lang akong mahinang babae.





I stand up straight and faced her with my non-expression look. Tinitignan niya lang din ako na may kasamang ngisi sa kanyang labi. Ang iba niyang kasama ay nanonood lang saaming dalawa.





I was about to activate my ability para ibalik ang pangyayari kanina. Ngunit hindi ako nagpatuloy sapagkat napagtanto ko na, ganito nalang ba ako palagi? Lagi nalang ba ako gagamit ng aking abilidad para depensahin ang aking sarili? Pag-dedepensa pa ba ang ginagawa ko o pagtatakas?





Tinatakasan ko ba ang lahat ng kapahamakan para depensahin ang aking sarili? Kung ganun man, bakit pakiramdam ko ay isang akong duwag na kailangan depensahan ang aking sarili laban sa mga babaeng ito kahit hindi nila ginamit ang kanilang mga abilidad?





Avalon UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon