Chapter 12

31 3 0
                                    






Nakahandusay si Ivy sa sahig at punong-puno ng dugo!






Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Hindi ito maaari! Lumuhod ako sa harapan niya at 'di parin makapaniwala. Tinawag ko sina Zain at Zeke para papuntahin rito. Nagulat rin sila sa kanilang nakita.






"This can't be! Her ability is Nightmare and her skill is Invisibility, how can she die!" Napatigil ako sa kakaiyak dahil sa sinabi ni Zeke.







"Zain, go and give her some air!"







"Hoy ano 'kala mo saakin?! Life guard?Ayoko nga!" Pagtataranta bigla ni Zain dahil sa sinabi ko.







"Zain please! Atsaka diba trabaho niyo bilang hari ay iligtas ang mga nangangailangan ng tulong?" Mas lalo siyang nainis dahil sa sinabi ko dahil alam niyang tama ako.






"Sige, papayag ako. Pero dapat may kapalit ah."







"Yes kahit ano. Just please save Ivy."







Lumuhod siya sa harap ni Ivy na nakahandusay pa rin sa lupa. Nilagay niya ang kamay niya sa ilalim ng leeg ni Ivy at ang isang kamay niya ay nasa kaliwang pisngi ni Ivy.







Bababa na sana si Zain para bigyan ng hangin si Ivy nang biglang tumayo at sinapak ni Ivy si Zain sa mukha.






Nagulat ako dahil sa nangyari. At masayang niyakap si Ivy ng mahigpit. Habang si Zeke naman ay tinatawanan si Zain na galit na galit na tinitignan si Ivy.







"Ivy naman! Pangalawang beses mo na ako prinaprank! Tumigil ka na baka maging totoo ang mga prinaprank mo!" Galit kong sabi kay Ivy.







"Yes Ma'am. Hindi na po mauulit." Sabay tawa. Susugod na sana si Zain kay Ivy nang pinigil siya ni Zeke.






"Zain kalma, mukha kang aso na gustong tumahol." Natawa kami sa sinabi ni Zeke kaya mas lalong nagalit si Zain sakaniya. Ngunit bigla kong naalala ang dugo na nakita ko sa katawan ni Ivy at ang mga marka ng paa kaya tinanong ko sakaniya ang tungkol dun.






"Ah yun? Wala lang yun, props ko lang yun. Dugo ng halimaw ang ginamit ko at ang marka ng paa? Ginamit ko ang sapatos ni Aiden, nakita ko kasi na nasa labas lang kaya kinuha ko. Hindi ko na na-expect na may halimaw na papasok rito. Kaya sakto lang na kinuha ko ang sapatos ni Aiden." Sabi niya habang naglalakad kami pabalik sa building namin.







"By the way, nasaan na pala ang halimaw?" Tanong bigla ni Dwaine nang makarating na kami sa Royal's Room.







"Nawala." Tipid na sagot ni Ivy.






"Anong nawala? Niwala mo?" Tanong ko sakaniya.






"Nawala siya as in nawala. Noong napatay konna siya, bigla nalang siya naging abo tapos nawala." Ivy said.






Minutes later Clio couldn't help but lecture Ivy. "Ivy stop doing things like that. It's not funny anymore. Pinapahirapan mo si Sera."








Dali-daling pumasok si Aiden sa loob at mukhang may hinahanap kaya lahat kami ay tinitignan siya. Nang mahanap niya na ang taong hinahanap niya agad niya itong sinugod.







Kaya agad namang tumago sa likod ng dalawa ni Clio si Ivy. Jusko naman itong dalawa, parang aso't pusa.






"Ibalik mo saakin yung sapatos ko! Bagong bili lang yun!" Sabi ni Aiden habang pinapakalma siya ng ibang miyembro.






Avalon UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon