"Si Ivy!"
Tumalon ako paalis sa kama ko. At nakakatawang isipin na isang panaginip lang pala ang lahat ng iyon.
Bad trip naman, pati utak ko nilalaro na ako.
Matutulog na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ko, and this time it's real!
Tulad ng nangyari sa aking panaginip, pumasok sa aking kwarto si Kyra at mabilis na pinuntahan ako.
"Sera, bilis nandito na siya!"
Uulit nanaman ba ang nangyari tulad sa aking panaginip? Hindi, totoo na 'to.
"S-sino?"
"Si-" bago tapusin ni Kyra ang kanyang sasabihin biglang pumasok si Elaine at masayang nakatingin saamin.
"Si Kuya! Si Kuya Zeke, nakabalik na!" Sabi niya at madaling umalis.
I was not dissapointed, I was happy. Umalis kami ni Kyra at pumunta agad sa opisina ng mahal na reyna dahil naroroon si Zeke.
Lahat ay naroroon, si Dwaine ay bagong ligo palang. Si Aiden naman ay kakagaling lang sa training ng healers, kahit gabi na ay nag-eensayo pa rin silang mga healers. Si Zain naman ay may tuwalya pa na nakasabit sa balikat niya, siguro maliligo na sana siya. At si Blake naman ay galing sa night duty niya.
Habang ang mga babae naman ay naririto rin. Si Clio na may face mask pa sa mukha niya. Si Kyra na may toothpaste pa sa bunganga. Si Elaine na kakagaling lang rin sa training nila. At ako, na matutulog na sana, kaya naka-pang tulog ako.
"Zeke, how was your trip? Any news?" The Queen asked.
"Yes, your majesty. I have spoken with her." Lahat kami nagulat dahil sa sinabi niya.
"She said don't worry, she will return. But she didn't say when. And then she dissapeared after that." Zeke explained.
After that I left to get some rest. I was just looking at my ceiling when my thoughts suddenly flood.
How are you Ivy? When will you come back? Whatever happens, we are here to wait for you.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising nalang ako ng may kumakatok sa pinto ko. Walang enerhiya kong binuksan ang pinto at nagulat ng makita ko si Zeke.
"Good morning? Did I disturb you?"
Nakakahiya naman kausapin ang lalaking 'to. Hindi ako nakapag-ayos ng sarili ko, siguro may kung ano pa sa mata ko.
"A-ah hindi naman. Good morning, tuloy ka." Pag-bubukas ko ng malawak ang aking pinto.
"I apologize if pumunta ako rito ng maaga, may gusto lang sana akong pag-usapan." He said while looking at my messy bed.
Oh shoot, my bed!
"Ahh, no it's ok hehe." Sabi ko at mabilis na lumakad papunta sa kama ko para ayusin ito. Narinig ko siyang tumawa ng mahina, kaya mas napahiya ako lalo.
BINABASA MO ANG
Avalon University
FantasyAvalon University is a place where they train their students to become a hero. A hero who will do everything and anything to save the university and the city of Avalon. Sera is a girl who never wished to study in Avalon University because of its sy...