"No, stay."
"Walang aalis." He seriously said.
Even he is an annoying jerk, I'm still grateful that he is here.
And yes, he is Zain....
"Bakit niyo ba siya pinapaalis? Ano naman ngayon kung rules are rules?" Sabi niya habang iniimpersonate niya ang sinabi ni Kyra kanina. Nakatayo lang ako dito at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Eh yung iba nga sainyo walang pake sa rules. Ikaw Clio, dinadala mo nga rito yung mga kaibigan mo kahit walang permiso galing saamin." Sabi niya at tinuro si Clio.
"That's because I'm a Royal, I'm part of the Goldens and Silvers. Bakit kailangan ko pa ng permiso sa mga ibang Royals kung I'm a Royal myself?" Clio defended herself.
"Eh bakit, part naman ng Royals ni Elaine ah. She's a member of Goldens. So anong problema dun?" Pagpapatalo ulit ni Zain.
"Ang problema lang is-" Hindi naituloy ni Clio ang sasabihin niya dahil nag-salita muli si Zain.
"Tara Sera, dito ka saamin tutal ayaw naman nila sa'yo maliban kay Elaine." Pag-iimbita ni Zain saakin pati na rin kay Elaine. Muling lumawak ang ngiti ni Elaine dahil magkasama na kame muli.
"Zain, huwag kang makialam-" hindi pinatapos ni Zain ang sasabihin ni Kyra.
"Huwag makialam? Sorry ha pero, tanga ka ba o ano? We're supposed to be greeting the new student Kyra, hindi yung pinapaalis niyo, in a disrespectful way pa talaga. Tandaan mo na isa kang miyembro ng Goldens at parte ka rin ng Royals kaya matuto kang rumespeto sa ibang tao." Inis na sabi ni Zain habang kumakain. Walang sinabi si Kyra at umupo nalang. Habang kami naman dalawa ni Elaine ay nagsimula nang kumain.
Nasa gitna kame nang pagkain ng biglang nagtanong si Elaine and that question made me speechless.
"Ate, what's your ability po? I feel like meron ka pong cool na ability!" Masayang sabi niya.
Nabulunan ako sa kinakain ko ng marinig ko 'yon. Hearing that word again, made me sweat. Bigla akong nanginig dahil sa tanong niya. Mga ala-alang gusto kong kalimutan ay bumabalik. Nagsimula nang ngumilid ang aking mga luha.
"Wala."
"Po? Ang ano pong wala?" Naguguluhang tanong ni Elaine. Wala na akong sinabi at mabilis na tumayo at umalis doon.
Bakit nandito parin? Bakit nasasaktan pa rin ako? Kinalimutan ko na ang lahat, kaya bakit? Bakit kailangan pang bumalik ang mga alaalang yun?
Tumakbo ako ng mabilis kahit hindi ko alam kung saan ako pumupunta. Bahala na kung saan man ako mapadpad, basta gusto ko munang umalis.
"Aray!"
Narinig kong may sumigaw na lalaki dahil sa sakit. Hindi ko alam na may nakabangga na pala akong tao, pero ayoko ko namang tumigil sa pagtatakbo.
"Hoy! Bumalik ka nga rito!" Rinig kong sigaw ng lalaki.
Tumakbo ako ng tumakbo, at saka tumigil din dahil sa pagod. Kailangan kong huminga. Tinignan ko kung nasaan ako napadpad. Napamangha ako dahil sa ganda ng lawak ng Unibersidad. Nandito ako sa lugar kung saan makikita mo ang field ng Unibersidad, ang mga buildings, at ang kalawakan ng kagubatan. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o ano.
BINABASA MO ANG
Avalon University
FantasyAvalon University is a place where they train their students to become a hero. A hero who will do everything and anything to save the university and the city of Avalon. Sera is a girl who never wished to study in Avalon University because of its sy...