"Time Manipulation, tama ba?"
Tinignan ko siya ng gulat at hindi makapag-salita. I couldn't help but gulp becase of what I heard.
Paano niya nalaman?
Hindi ko siya sinagot at nag-mamadaling umalis sa Training Room. Ngunit nag-salita siya muli kaya napatigil ako.
"Sera, answer me. Time Manipulation ang abilidad mo, tama ba ako?"
I stop and face her. Maybe this is it. Ito na ang time para sabihin ang tungkol sa ability ko.
"Oo, tama ka. Paano mo nalaman?" Seryosong tanong ko. Bago niya ako sinagot kay lumakad siya papunta saakin.
"Kanina, habang sinasakal ko si Kyra napapansin ko na ang tagal ko na siyang sinasakal pero hindi pa siya nawawalan ng malay. At 'dun kita nakita, ginagamit mo ang iyong abilidad para hindi siya tuluyan mahimatay. Ang daya mo naman, hmp." Napa-bukas ang bibig ko dahil sa sinabi niya.
"Halata ba?" Pag-tatanong ko muli.
"Saakin, oo. Pero sa iba, hindi naman ata kasi hindi nila nakita tsaka tinuro kasi saakin ng nanay ko kung paano malaman kung sino ang gumagamit ng mahika o abilidad." Pag-sasabi niya.
"Puede mo bang... isikreto 'to?" Nag-mamakaawa kong tanong. Nabigla naman siya sa tanong ko kaya nag-tanong nanaman siya muli.
"Bakit kailangan mo isikreto tungkol sa iyong abilidad?" Sabi niya kasabay ang pag-kunot ng kanyang mga kilay.
Dahil kailangan. Mas ok na 'yun ganito, mas ok na kung wala sinong makakaalam tungkol sa abilidad ko.
When people knew what my ability and skill was, they pretend to befriend me. They pretend to like me. But deep inside, they lie, hurt and betray me.
"Mas mabuti pa kung hindi mo malaman."
Umalis ako roon at nag-pahangin sa field. Ok, alam na ng isang tao ang tungkol sa ability ko. I don't if should be happy or not. Basta ang alam ko, mapagkakatiwalaan siya. I know I can put my trust on Ivy even though she's just new here.
Since wala na raw klase ngayong hapon, dito nalang muna ako. Habang nag-papahangin biglang gumalaw ang lupa. Para bang may isang malaking higante na tumapak sa lupa. Akala ko guni-guni ko lang 'yun ngunit sunod-sunod na pag-galaw ng lupa ang naramdaman ko.
Umalis na ako roon at nagsimula nang ipaalis ang mga tao na naroroon pa. Sakto naman at nag-kasalubong kaming dalawa ni Kyra kaya nasabi niya saakin kung saan ko dadalhin ang mga ibang estudyante. Takbo at sigaw ang ginagawa ng mga tao rito. Lahat ng mga myembro ng Royalties ay nag-kalat na at nagsimula ng sagipin ang mga estudyante.
Napa-lingon ako kung ano ba mayroon, at nagulat dahil may mga halimaw na nakapasok sa unibesidad namin. How the heck did that thing entered the university if the university has a protective barrier?
Nagulat ako nang may humatak saakin sa aking kamay.
"Anong ginagawa mo dyan? Gusto mo bang mamatay?" Nagulat ako nang si Kyra ang humatak saakin. Hindi ko inexpect 'to pero nakakagulat talaga. I mean who wouldn't be shock? After she said those hurtful words to me yesterday, yeah right.
BINABASA MO ANG
Avalon University
FantasyAvalon University is a place where they train their students to become a hero. A hero who will do everything and anything to save the university and the city of Avalon. Sera is a girl who never wished to study in Avalon University because of its sy...