"Hoy, gising na"
"Hoy"
Ramdam kong may sumisipa saakin.....
"HOY! SINABING GUMISING KA NA RIYAN!"
Bigla akong napa bangon dahil sa malakas na sigaw ni Tatay Jun.
"BINGI KA BA? SINABING GUMISING KA NA RIYAN EH, BILISAN MO ANG PAGLUTO NG AGAHAN PARA MAKAPUNTA NA AKO" sigaw niya saakin.
Inayos ko na higaan ko kahit kutson at kumot lang to. Naligo na din ako at gumawa ng agahan. Kailangan ko pa pala maglinis, ang dami kasing mga nakakakalat na bote. Bumaba na din si Tatay para kumain at pagkatapos nun ay umalis na siya ng walang paalam.
Sanay naman ako, lagi kasi siyang lasing, palaging naglalaro ng mga illegal na laro at palaging wala sa bahay. Ang totoo nyan, simula nung nawala si Nanay Julie, parang nawalan na din siya ng buhay, kaya palaging siyang nag-papakalasing.
Minsan sinasabi ko nalang sa sarili ko na, pumunta si Nanay Julie sa malayong lugar, kaya hindi na siya nakabalik. Pero kahit anong iisipin ko, kailangan ko pa din tanggapin na wala na siya. Wala na si Nanay Julie. Si Nanay Julie na kumupkop saakin. Si Nanay Julie na nakita ako sa tapat ng pintuan niya. Si Nanay Julie na inalagaan ako. Si Nanay Julie na nagpapaligo saakin araw-araw. Si Nanay Julie...... si Nanay Julie na tinanggap ako at minahal ng buong puso.
Akala ko ok na ang lahat. Akala ko noong kinupkop nila ako, magiging masaya na ako. Akala ko magiging maayos na ang lahat. Pero hanggang dun lang pala yun. Kaya hanggang ngayon, hindi ko masisisi si Tatay Jun.
Sabi nga nila first love never dies. Kaya siguro naging ganito si Tatay Jun, dahil hanggang ngayon iniwan na siya ng taong mahal niya. Ng taong una niyang minahal ng dalawampung-pitong taon. Mahirap man tanggapin pero, kailangan eh. Ganun naman diba? Kailangan tanggapin na wala na siya, para maka-move on sa buhay natin.
Bumalik na ako sa realidad ng nahulog ang isa sa mga picture frame. Pinulot ko yun nang dahan-dahan. It was a picture of us. A family picture. Kami nina Nanay Julie at Tatay Jun na masayang nagtatawanan sa tabi ng ilog. Makikita mo ang kasiyahan namin sa aming mga ngiti. Dahan-dahan ko itong hinawakan. Namiss ko 'to... Namiss ko ang pag-bonding namin. Magtatawanan at magkwekwentuhan kahit napakarami naming problema.
Biglang tumulo yung luha ko ng hindi ko namalayan...
"Ayan ka nanaman, hindi ba't sabi mo sa sarili mo na hindi ka na iiyak." Sabi ng aking isipan.
Dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko.
Hindi ko naman kasalanan eh. Ayoko ng umiyak. Nakakapagod ng umiyak. Iiyak ka dahil masakit. Pero minsan, kahit anong iyak mo, hindi na maibabalik ng panahon ang lahat. Hindi na maibabalik ng mga luhang iyon ang sakit na nararamdaman mo.
Minsan iniisip ko, na sana ako nalang. Na sana ako nalang ang namatay. Na sana ako nalang...
Pero hindi ko naisipang magpakamatay. Dahil hindi naman yun maibabalik ang buhay ni Nanay Julie. Oo, alam kong masakit. Sobrang sakit. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Because Nanay Julie was always there for me. Hindi man physically, but I know that deep down inside of my heart, she's here by my side.
Bumalik na ako sa realidad. Binalik ko na din ang frame sa lamesa. Nilinis ko na ang buong bahay, at malapit na ding mag-hapunan. Oo nga pala, hindi pa pala ako nakapag-luto ng hapunan. Patay ako nito kay Tatay Jun.
BINABASA MO ANG
Avalon University
FantasyAvalon University is a place where they train their students to become a hero. A hero who will do everything and anything to save the university and the city of Avalon. Sera is a girl who never wished to study in Avalon University because of its sy...